Psalms
Intro
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
75
76
77
78
79
80
81
82
83
84
85
86
87
88
89
90
91
92
93
94
95
96
97
98
99
100
101
102
103
104
105
106
107
108
109
110
111
112
113
114
115
116
117
118
119
120
121
122
123
124
125
126
127
128
129
130
131
132
133
134
135
136
137
138
139
140
141
142
143
144
145
146
147
148
149
150
O Diyos, I-bless Mo ang Hari
1 Turuan mo ang hari na mag-judge nang patas, O Diyos,
kung paano mo ipatupad ang hustisya,
i-share mo yun sa kanya,
2 para ma-lead nya nang tama ang bayan mo,
at ma-experience ng mahihirap ang fair na pamumuno.
3 Maging successful sana ang buong bayan,
sa buong lugar, maghari ang katuwiran.
4 Ipagtanggol sana ng hari ang mga mahihirap,
tulungan ang mga dukha,
at durugin ang nagpapahirap sa kanila.
5 O Diyos, sambahin ka sana ng iyong bayan,
hanggat may liwanag ang araw at ang buwan,
ngayon at sa darating pang mga generation!
6 Sana ang hari ay gaya ng ulan, nagpapasigla sa bukid,
parang tubig na bumubuhay sa buong lupain.
7 Umiral sana ang tama habang nabubuhay ang hari,
at maging maganda ang buhay sa habang panahon.
8 Lumawak pa sana ang sakop nya,
mula sa ilog ng Euphrates hanggang sa dulo ng mundo.
9 Yung mga bayan sa desert, sumuko sana sa kanya
at sumubsob sa lupa ang mga kaaway nya.
10* Mga hari ng Spain at ng ibat-ibang isla, bibigyan sya ng regalo,
pati mga hari ng Sheba at Seba mag-ooffer sa kanya.
11 Lahat ng mga hari magba-bow sa harap nya,
magse-serve sa kanya lahat ng mga bansa.
12 Sine-save nya ang mahihirap na humihingi ng tulong,
sila yung mga pinabayaan, at walang-wala na.
13 Naaawa sya sa mga mahihina at sa mga kawawa,
sine-save nya yung mga kapos sa buhay.
14 Inaagaw nya sila sa kamay ng mapang-api at marahas,
sa kanya, ang buhay nila ay sobrang mahalaga.
15 Mabuhay ang hari!
Gold na mula sa Sheba, ibigay sa kanya.
Sa lahat ng oras, ipag-pray nyo sya,
ang blessing ng Diyos, sana laging nasa kanya!
16 Maging sagana sana ang ani sa mga bukid,
mapuno ng tanim pati mga bundok,
maging mabunga gaya ng Lebanon.
Dumami sana ang mga tao dun sa mga city,
maging sindami sila ng mga damo sa bukid.
17 Pangalan ng hari, wag sanang malimutan,
gaya ng araw, wag sanang mawala ang kasikatan nya.
Lahat ng mga tao hihingi sa Diyos ng blessing,
kung paano nya bliness ang hari.
18 Praise the Lord! Sya ang Diyos ng Israel!
Mga nakakabilib na bagay, sya lang ang may kayang gumawa.
19 Forever nating purihin ang kanyang dakilang pangalan!
Makita sana sa buong mundo ang kanyang karangalan!
Amen! Amen!
20 Dito nagtatapos ang mga prayers ni David, na anak ni Jesse.
Footnotes
72:10
+ SHEBA AT SEBA: Ang Sheba ay nasa south ng Arabia, habang ang Seba ay nasa kabilang side ng Red Sea.