Psalms
Intro
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
75
76
77
78
79
80
81
82
83
84
85
86
87
88
89
90
91
92
93
94
95
96
97
98
99
100
101
102
103
104
105
106
107
108
109
110
111
112
113
114
115
116
117
118
119
120
121
122
123
124
125
126
127
128
129
130
131
132
133
134
135
136
137
138
139
140
141
142
143
144
145
146
147
148
149
150
Maaasahan si Lord
1 O kayong mga tapat sa Diyos,
magsaya kayo dahil kay Lord!
Dapat lang magpuri ang namumuhay nang tama!
2 Tugtugin ang harp, si Lord ay pasalamatan,
sabayan ng harp na may 10 strings, sya ay kantahan.
3 Bagong kanta ang kantahin sa kanya,
galingan ang pagtugtog,
at sumigaw sa saya!
4 Kasi pag sinabi ni Lord, gagawin nya yun,
ang lahat ng ginagawa nya, proof na maaasahan sya.
5 Mahalaga kay Lord ang paggawa ng tama at pagiging fair sa kapwa,
damang-dama sa mundo ang pagmamahal nyang tapat.
6 Ginawa ni Lord ang langit, salita lang ang ginamit,
ang sun, moon, at stars, na-create nung binanggit.
7 Ang mga tubig sa dagat, inipon nya sa isang lugar,
kinulong ang karagatan, doon ay binakuran.
8 Lahat ng nasa mundo, kay Lord ay sumamba!
Lahat ng nilikha nya, mag-worship sa kanya!
9 Sa isang salita lang, na-create ang mundo,
sa utos nya, nangyari ang lahat.
10 Kinokontra ni Lord ang gustong gawin ng mga bansa,
mga plano nila, nauuwi sa wala.
11 Pero ang gusto ni Lord, forever mananatili,
mga plano nya, hindi masisira.
12 Masaya ang bansa na si Lord ang Diyos,
ang bayang pinili nya, bine-bless nya talaga.
13 Nakatingin si Lord mula sa langit,
nakikita nya ang lahat ng mga tao.
14 Mula dun sa kanyang trono,
tinitingnan nya ang lahat ng nasa mundo.
15 Sya ang nag-create ng isip nila,
at lahat ng ginagawa nila, alam nya.
16 Hindi sa laki ng army nananalo ang isang hari,
at ang sundalo ay di naliligtas ng sariling lakas.
17 Ang mga kabayong pang-gera di maaasahan para manalo,
kahit gaano pa sila kalakas, di naman kayang magligtas.
18 Naka-focus ang tingin ni Lord sa mga masunurin sa kanya,
sa mga nagtitiwala sa wagas nyang pagmamahal.
19 Hindi nya papayagang mamatay sila,
at kahit taggutom, makaka-survive sila dahil sa kanya.
20 Kay Lord tayo umaasa,
sya ang ating tulong at depensa.
21 Dahil sa kanya, masaya ang puso namin,
sa banal nyang pangalan, tiwala kami.
22 O Lord, iparamdam mo sa amin ang pag-ibig mong wagas,
sayo lang talaga kami umaasa.