Psalms
Intro
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
75
76
77
78
79
80
81
82
83
84
85
86
87
88
89
90
91
92
93
94
95
96
97
98
99
100
101
102
103
104
105
106
107
108
109
110
111
112
113
114
115
116
117
118
119
120
121
122
123
124
125
126
127
128
129
130
131
132
133
134
135
136
137
138
139
140
141
142
143
144
145
146
147
148
149
150
Kitang-kita ang Galing ng Diyos
1 Pinapakita ng langit na, grabe, ang galing ng Diyos!
Dini-display ng buong universe ang mga ginawa nya.
2 Sa bawat araw, tuluy-tuloy sila sa pagkukwento,
at bawat gabi, sinasabi nila ang tungkol sa Diyos.
3 Hindi sila gumagamit ng words sa pagsasalita,
wala ring boses na maririnig sa kanila,
4 pero abot sa lahat ng lugar ang sinasabi nila,
umaabot yun hanggang sa dulo ng mundo.
Dun sa langit, gumawa ang Diyos ng bahay para sa araw,
5 lumalabas ito sa umaga na parang lalaking bagong kasal,
parang runner na excited tumakbo sa karera.
6 Sumisikat ang araw sa isang side ng langit,
tapos tatawid, at lulubog sa kabila.
Walang makakapagtago sa init nya.
Ang Batas ni Lord
7 Ang batas ni Lord ay perfect,
nagbibigay ng bagong sigla.
Maaasahan ang teachings ni Lord,
nagpapatalino sa walang alam.
8 Ang mga batas ni Lord ay tama,
nagpapasaya sa puso.
Ang mga utos ni Lord ay malinis,
nagbibigay-liwanag sa isip.
9 Ang paggalang kay Lord ay mabuti,
mangyayari ito forever.
Tama ang mga desisyon ni Lord,
lagi yung patas.
10 Mas mahalaga pa yun sa gold,
sa pinakapurong gold,
mas matamis pa sa honey,
sa pinakapurong honey.
11 At dahil sa mga teachings na ito, nawa-warningan ang iyong lingkod,
may magandang reward pag ito ay sinunod.
12 Sino bang nakakaalam na mali ang ginagawa nya?
Linisin mo ako, Lord, sa mga nagawa kong kasalanan na di ko alam.
13 Pigilan mo akong gawin yung bagay na alam ko namang mali,
wag mong hayaang kontrolin ako ng kasalanan.
Tapos magiging malinis na ang buhay ko,
walang bahid ng mabigat na kasalanan.
14 Sana lahat ng sinasabi ko at lahat ng nasa puso ko,
maging acceptable sayo,
Lord, ikaw ang nagtatanggol at nagliligtas sa akin.