Psalms
Chapter 127
Si Lord ang Nagbe-bless sa Pamilya
1 Kung hindi si Lord ang nagtatayo ng bahay,
sayang lang ang effort ng mga nagtatayo nun.
Kung hindi si Lord ang nagbabantay ng city,
useless ang pagbabantay ng mga guard.
2 Walang kwentang magtrabaho nang sobra para lang may makain,
ang aga mong gigising, tapos matutulog ka nang late.
Kasi si Lord ang bahala sa mga mahal nya,
kahit natutulog sila.
3 Ang mga anak ay regalong galing kay Lord,
totoong blessing nga sila.
4 Yung mga naging anak ng isang tatay nung bata pa sya,
parang mga arrows sa kamay ng sundalo.
5 Blessed ang taong marami nito.
Pag hinarap nya sa korte ang mga kalaban nya,
never syang matatalo.