Psalms
Chapter 22
Iyak ng Nahihirapan
1 Diyos ko, Diyos ko! Bakit mo ako pinabayaan?
Bakit ayaw mo akong tulungan,
di mo ba naririnig ang iyak ko?
2 O Diyos ko, umaga pa lang, umiiyak na ako,
pero di ka sumasagot,
hanggang gabi ako nagpe-pray,
pero hindi pa rin ako nagiging okay.
3 Pero ikaw ang Banal na Diyos,
naghahari ka, ikaw ang pinupuri ng Israel.
4 Sayo nagtiwala ang mga ninuno namin,
nagtiwala sila, at iyong niligtas.
5 Humingi sila ng tulong sayo, at na-save sila,
sayo sila nagtiwala, at di sila napahiya.
6 Pero para na akong uod, di na ako tao,
iniinsulto ako, nilalait ng kahit sino!
7 Lahat ng makakita sa akin, pinagtatawanan ako,
nakalabas dila nila, pailing-iling pa.
8 Sabi nila, “Tiwala pala kay Lord, ha!
Bakit di ka nya iligtas?
Kung natutuwa sya sayo,
bakit di ka nya tulungan?”
9 Pero Lord, pinapanganak pa lang, iningatan mo na ako,
baby pa lang ako, sinigurado mong safe ako.
10 Simula nung ipanganak ako, ikaw na ang inaasahan ko,
simula pa nun, ikaw na ang Diyos ko.
11 Wag kang lumayo,
kasi ang lapit na ng problema,
at walang tutulong sa akin.
12 Maraming kaaway na nakapaligid, para silang mga toro,
mga wild na toro ng Bashan, pinapaligiran nila ako.
13 Para silang mga lion na nakabukas na ang bibig,
nagro-roar nang malakas, ready na akong lapain.
14 Ubos na ang lakas ko, parang tubig na natapon,
kalas-kalas na lahat ng mga buto ko,
parang kandilang natutunaw ang puso ko.
15 Tuyo na ang lalamunan ko, parang tigang na lupa,
yung dila ko, hindi ko na magalaw,
iniwan mo ako sa lupa, halos patay na.
16 Pinapaligiran ako ng grupo ng masasamang tao,
para silang mga aso, susunggaban na ako,
sinasakmal nila ang mga kamay at paa ko.
17 Lahat ng mga buto ko, kitang-kita na,
nakatitig ang mga kaaway ko, grabe, ang yayabang!
18 Pinaghati-hatian nila ang mga suot ko,
nagpustahan sila para sa damit ko.
19 O Lord, wag kang lumayo!
Ikaw ang lakas ko, bilis, tulungan mo na ako!
20 Iligtas mo ako sa espada ng kaaway,
i-save mo ako sa matatapang na asong ito!
21 Iligtas mo ako, kakainin na ako ng mga lion na ito!
Wala akong laban sa bangis ng mga toro!
22 Sasabihin ko sa mga kababayan ko ang mga ginawa mo,
pupurihin kita sa gitna ng mga nagwo-worship sayo.
23 “Purihin nyo si Lord, kayong may takot sa kanya!
Igalang nyo sya, mga anak at apo ni Jacob!
Sambahin nyo sya, bayan ng Israel!
24 Hindi nya minamaliit o binabalewala
ang pinagdadaanan ng mahihirap,
hindi nya sila tinatalikuran,
naririnig nya pag tumatawag sila.”
25 Ikaw ang dahilan kaya ako magpupuri
pag nag-gather lahat ng sumasamba sayo.
Sa harap ng mga may takot sayo,
i-ooffer ko ang mga sacrifice na pinangako ko.
26 Kakain ang mahihirap at mabubusog,
ang lumalapit kay Lord, magpupuri sa kanya!
Maging maganda sana ang buhay nila forever!
27 Maaalala si Lord ng lahat ng tao sa mundo,
at lalapit sila sa kanya.
Lahat ng lahi sa buong mundo,
sasamba sa harap nya.
28 Si Lord ang may authority sa lahat,
sya ang naghahari sa mga bansa.
29 Totoo nga, yuyuko sa kanya lahat ng mayayabang,
lahat ng mga taong haharap sa kamatayan,
lahat sila, magba-bow sa kanya.
30 Magse-serve sa kanya ang mga susunod na angkan,
ikukwento nila sa next generation ang tungkol kay Lord.
31 At sasabihin sa mga ipapanganak pa lang,
“Niligtas ni Lord ang bayan nya!”