Psalms
Chapter 48
Zion, ang City ng Diyos
1 Ang galing talaga ni Lord, dapat syang purihin
sa city ng Diyos natin, sa bundok nyang banal.
2 Ang Mt. Zion, ang bundok ng Diyos,
ay mataas at maganda,
ito ang city ng dakilang hari,
sa buong mundo, nagbibigay saya.
3 Sure na ligtas ka pag kasama ang Diyos,
para kang nakatago sa city na may matibay na pader.
4 Ayan, nagkampihan ang mga hari,
sama-sama nilang susugurin ang city.
5 Pero pagkakita nila dun, sila ay napanganga,
nag-panic sila, at agad na tumakas.
6 Natakot sila at walang nagawa,
nanginig sa sakit, parang nanay na manganganak na,
7 para silang malalaking barko,
wasak talaga sa lakas ng bagyo.
8 Narinig namin noon at nakita ngayon,
ang ginawa ng Diyos sa city nya,
sa city ni Lord na Makapangyarihan,
ang city na forever nyang iingatan.
9 O Diyos, sa loob ng Temple mo iniisip-isip namin,
na mula noon hanggang ngayon, talagang mahal mo kami.
10 O Diyos, sikat ang pangalan mo,
kaya deserve mong purihin ka ng buong mundo.
Matuwid ka kung mamuno,
11 kaya magse-celebrate ang mga taga-Zion.
Magsasaya ang mga bayan ng Judah,
kasi fair ka kung mag-judge.
12 Tara, lakad tayo, ikutin natin ang Zion,
bilangin natin ang mga toreng nandun.
13 I-check nyo at tingnang mabuti ang mga pader na pang depensa,
para makwento nyo ito sa mga susunod na generation:
14 “Itong Diyos natin, sya ang Diyos natin forever and ever,
iga-guide nya tayo hanggang wakas.”