Psalms
Chapter 52
Ang Judgment sa Masama
1 Ikaw na taong malakas, proud ka pa talaga sa ginagawa mong masama!
Di mo ba alam na laging tapat ang Diyos?
2 Pinaplano mo kung paano sisirain ang ibang tao.
Ang talas ng dila mo,
mga sinasabi mo, puro imbento!
3 Mas mahal mo pa ang masama kesa sa mabuti,
mas trip mong magsinungaling kesa magsabi ng totoo.
4 Gustung-gusto mo yung masasakit na salita,
sinungaling ka talaga!
5 Pero ibabagsak ka ng Diyos, never kang makakabangon,
kukunin ka nya at kakaladkarin palabas ng bahay,
aalisin ka nya sa mundo ng mga buháy.
6 Makikita yun ng mga matuwid at mangingilabot sila,
tatawanan ka nila at sasabihin,
7 “Ganyan ang taong hindi sa Diyos umaasa,
instead, sa kayamanan sya nagtitiwala,
at umaasang mase-save sya ng ginagawa nyang masama.”
8 Pero kagaya ko ang isang olive tree,
sa bahay ng Diyos, dun ako lumalago.
Forever akong magtitiwala
sa wagas na pag-ibig ng Diyos.
9 O Diyos, forever akong magte-thank you
dahil sa mga ginawa mo.
Sa harap ng iyong bayan,
isisigaw kong mabuti ka talaga.