Psalms
Chapter 108
O Diyos, Kampihan Mo Kami!
1 Buo ang tiwala ko, O Diyos.
Kakanta ako, pupurihin kita!
Ire-ready ko ang sarili ko.
2 Tutugtog ako ng harp at lyre,
gigising ako bago sumikat ang araw.
3 Magte-thank you ako sayo, Lord, sa gitna ng mga tao,
pupurihin kita sa harap ng mga bansa.
4 Mas mataas pa sa langit ang pag-ibig mong wagas,
ang katapatan mo, abot sa mga ulap.
5 O Diyos, purihin ka, lampas pa sa langit!
Punuin mo ng glory mo ang buong mundo!
6 I-save mo kami ng lakas mo, sagutin mo ang prayer ko,
para maligtas ang mga mahal mo.
7 Dun sa temple nya, sinabi ng Diyos,
“Nanalo ako, kaya idi-divide ko ang Shechem,
at ipapamigay ko sa bayan ko ang Sukkoth Valley.
8 Sa akin ang lupain ng Gilead, pati ang Manasseh,
Ephraim ang helmet ko sa laban,
at Judah ang symbol ng kapangyarihan ko.
9 Gagawin kong hugasán ang Moab,
tatapakan ko ang lupain ng Edom,
sa buong Philistia, isisigaw kong panalo ako!”
10 O Diyos, sinong magdadala sa akin sa city na matibay ang depensa?
Sinong magli-lead sa akin papunta sa Edom?
11 Ni-reject mo na ba talaga kami?
Di mo na ba sasamahan ang army namin?
12 Tulungan mo kami laban sa kaaway,
kasi kung tao lang ang tutulong, walang kwenta yun.
13 Pag kakampi namin ang Diyos, sure ang panalo,
sa mga kalaban, sya mismo ang dudurog.