Psalms
Chapter 11
Ililigtas Ako ni Lord
1 Si Lord ang pinupuntahan ko para maging safe.
Bakit nyo ako sinasabihang, “Dun ka sa mga bundok,
lumipad ka na parang ibon.”
2 Sabi nyo pa, “Ayan na ang masasama, ready na ang mga pana,
nagtatago sila sa dilim, mabubuting tao ang tatargetin.
3 May magagawa ba ang mabuting tao
pag magulo na ang lahat at walang batas na sinusunod?”
4 Nandun si Lord sa temple nyang banal,
nasa langit ang trono nya.
Tinitingnan nya lahat ng mga tao,
alam nya lahat ng ginagawa nila.
5 Tine-test ni Lord ang mabubuti, ganun din ang masasama,
galit na galit sya sa mga mahilig sa gulo at dahas.
6 Papaulanan nya ng apoy ang masasama,
nag-aapoy na sulfur at baga,
nakakapasong hangin ang parusang matitikman nila.
7 Laging tama ang ginagawa ni Lord, natutuwa sya sa mabubuting gawa,
yung mga gumagawa ng tama, mabubuhay na kasama sya.