Psalms
Chapter 14
Masama ang Tao
1 “Walang Diyos!”
Yan ang nasa isip ng mga bobo.
Lahat sila, bulok ang pagkatao,
sobrang sama ng mga ginagawa nila,
walang gumagawa ng tama.
2 Mula sa langit, nakatingin si Lord sa mga tao,
para makita kung meron pang nag-iisip nang tama,
kung meron pang gustong lumapit sa Diyos.
3 Pero lahat sila, namali na ng landas,
pare-pareho na silang masasama.
Wala kahit isang gumagawa ng tama,
wala ni isa, wala talaga!
4 “Lahat ba ng masasama, wala talagang alam?” tanong ni Lord.
“Kung abusuhin nila ang bayan ko, parang lang silang kumakain,
ang mga taong ito, hindi nagpe-pray sa akin.”
5 Pero sobra silang matatakot,
kasi kampi ang Diyos sa mga mabuti.
6 Kahit sirain nyo ang mga plano ng mahihirap,
si Lord ang magpo-protect sa kanila.
7 Haay, sana may mag-save na sa Israel mula sa Zion!
Magsasaya ang Israel at magse-celebrate,
pag binalik ni Lord yung magandang buhay ng bayan nya!