Psalms
Chapter 40
Kanta ng Papuri sa Diyos
1 Matyaga kong hinintay si Lord,
pinakinggan nya ako, narinig nya ang iniiyak ko.
2 Inahon nya ako sa hukay ng kamatayan,
inalis sa makapal na putik.
Nilagay nya ako sa malaking bato,
siniguradong safe ako.
3 Tinuruan nya ako ng bagong kanta,
kanta ng papuri sa ating Diyos.
Maraming makakakita at matatakot,
at magtitiwala sila kay Lord.
4 Bine-bless ni Lord ang mga nagtitiwala sa kanya,
silang mga hindi bilib sa mayayabang,
at hindi nagwo-worship sa mga pekeng diyos.
5 O Lord, aking Diyos, ang dami mong magagandang ginawa,
at grabe ang mga plano mo para sa amin.
Walang papantay sayo!
Kung iisa-isahin ko at ikukwento,
di ko masasabi lahat, sa dami ng ginawa mo.
6 Mga sacrifice at offering, di yun ang gusto mo,
di ka nag-require ng hayop na susunugin
o ng sacrifice na pambayad sa mga kasalanan.
Instead, binigyan mo ako ng tenga para makinig sayo.
7 Kaya sabi ko, “Nandito ako,
nakasulat sa libro ang tungkol sa akin.
8 Masaya akong gawin ang gusto mo, O aking Diyos,
nasa puso ko ang mga utos mo.”
9 Sa malaking gathering ng mga nagwo-worship sayo,
kinwento kong sinave mo kami.
Di ako nanahimik, alam mo yun, Lord.
10 Di ko sinikreto ang pag-save mo sa amin,
sinasabi ko lagi na tapat ka at nagliligtas.
Sa harap ng maraming nagwo-worship sayo,
pinagsabi kong faithful ka at wagas magmahal.
11 Sure ako Lord, lagi kang maaawa sa akin,
safe ako kasi tapat ka at wagas magmahal.
Lord, Tulong!
(Psalm 70)
12 Nalulunod na ako sa mga problema,
sa sobrang dami, di ko na mabilang!
Natabunan na ako ng mga kasalanan ko,
di ko na makita ang daan.
Mas madami pa sa buhok ko ang mga kasalanan ko,
haay, hinang-hina na ako.
13 Please, Lord, i-rescue mo ako!
Bilis, Lord, tulungan mo na ako!
14 Talunin mo sila at lituhin,
silang mga gusto akong patayin.
Paatrasin mo sila at ipahiya—
yung mga taong masaya pag nasasaktan ako.
15 Yung mga nagsasabing, “Buti nga sa kanya!”
manliit sana sa hiya kasi talo sila.
16 Pero sana lahat ng lumalapit sayo,
matuwa at mag-celebrate.
Yung mga natutuwang sinave mo sila,
laging magsabing, “Ang galing ni Lord!”
17 Mahina nga ako at walang-wala,
pero si Lord, lagi akong iniisip.
Ikaw ang savior ko at tumutulong sa akin,
O Diyos ko, bilisan mo na!