Psalms
Intro
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
75
76
77
78
79
80
81
82
83
84
85
86
87
88
89
90
91
92
93
94
95
96
97
98
99
100
101
102
103
104
105
106
107
108
109
110
111
112
113
114
115
116
117
118
119
120
121
122
123
124
125
126
127
128
129
130
131
132
133
134
135
136
137
138
139
140
141
142
143
144
145
146
147
148
149
150
Confident Ako kay Lord
1 Maawa ka sa akin, O Diyos, please, maawa ka,
kasi pag gusto kong maging safe, sayo ako pumupunta.
Sa lilim ng pakpak mo, dun ako magtatago
hanggang lumipas ang malalakas na bagyo.
2 Tumatawag ako sa Diyos na Pinakamataas,
sa Diyos na nagbibigay ng lahat ng kailangan ko.
3 Mula sa langit, tutulungan nya ako at ililigtas,
ipapahiya nya ang lahat ng nagpapahirap sa akin.
Ipapakita ng Diyos na faithful sya at wagas magmahal.
4 Nakapaligid sa akin ang mga kaaway ko,
parang mga gutom na lion na lalapa ng mga tao.
Ngipin nila, parang sibat at pana,
dila nila, parang matalim na espada.
5 O Diyos, purihin ka lampas pa sa langit!
Sa buong mundo, makita sana ang liwanag ng glory mo!
6 Naglagay ng trap ang mga kaaway sa lalakaran ko,
sobra akong na-down.
Naghukay sila sa dadaanan ko,
pero sila mismo ang nahulog dun.
7 O Diyos, confident ang puso ko,
buo ang tiwala ko.
Kakanta ako, pupurihin kita!
8 Ire-ready ko ang sarili ko, pati na ang harp at lyre,
gigising ako bago pa sumikat ang araw.
9 Magpapasalamat ako sayo, Lord, sa harap ng mga tao,
sa harap ng mga bansa, kakanta ako, pupurihin kita.
10 Abot langit ang pag-ibig mong wagas,
katapatan mo, abot din sa mga ulap.
11 O Diyos, purihin ka lampas pa sa langit!
Sa buong mundo, makita sana ang liwanag ng glory mo!