Psalms
Chapter 119
Ang mga Utos ni Lord
1 Blessed ang taong malinis ang pamumuhay,
yung laging sumusunod sa batas ni Lord.
2 Masaya ang mga taong sumusunod sa mga utos nya,
buong puso silang sumusunod sa kanya,
3 hindi sila gumagawa ng mali,
yung gusto ni Lord ang ginagawa nila.
4 Lord, binigay mo sa amin ang mga utos mo,
sabi mo sundin namin yun nang tapat.
5 Sana nga lagi akong maging tapat sayo,
tapat na sumusunod sa mga utos mo!
6 Kung naka-focus ako sa lahat ng mga utos mo,
hindi ako mapapahiya.
7 Malinis ang puso kong magpupuri sayo,
habang inaaral ko ang mga matuwid mong kautusan.
8 Susundin ko ang mga utos mo,
please, wag mo akong iwan!
Buong Pusong Sundin ang Utos ni Lord
9 Anong gagawin ng kabataan para laging malinis ang buhay nya?
Sundin nya dapat ang iyong salita.
10 Buong puso akong magwo-worship sayo,
wag kang papayag na lumayo ako sa mga utos mo.
11 Nilagay ko sa aking puso ang salita mo,
para hindi ako magkasala sayo.
12 Purihin ka, O Lord!
Ituro mo sa akin ang mga utos mo!
13 Idi-declare ng mga labi ko
lahat ng kautusan na sinabi mo.
14 Mas masaya akong sundin ang mga utos mo,
kesa yumaman ako nang todo.
15 Inaaral kong mabuti ang mga teachings mo,
naka-focus ako sa iyong mga turo.
16 Masaya ako sa mga utos mo,
hindi ko kakalimutan ang salita mo.
Gustung-gusto Ko ang mga Utos ni Lord
17 Maging mabuti ka sa iyong lingkod,
para mabuhay ako, at masunod ko ang salita mo.
18 Buksan mo ang aking mga mata, para makita ko
ang magagandang bagay mula sa batas mo.
19 Sandali lang ako dito sa mundo,
wag mong itago sa akin ang mga utos mo.
20 Parang sasabog ang puso ko,
sa lahat ng oras, gustung-gusto kong malaman ang mga kautusan mo.
21 Pinapagalitan mo ang mayayabang,
pinaparusahan mo ang di sumusunod sa mga binigay mong utos.
22 Ilayo mo ako sa mga pang-aapi nila at insulto,
kasi sinusunod ko ang mga utos mo.
23 Nagpaplano ang mga may kapangyarihan laban sa akin,
pero mga teachings mo pa rin ang aking aaralin.
24 Pinapasaya ako ng mga utos mo,
sila ang nagbibigay ng advice sa akin.
Decided Akong Sundin ang mga Utos ni Lord
25 Nakadapa ako sa lupa, halos mamamatay na,
palakasin mo ako, gaya ng iyong pangako.
26 Sinabi ko sayo ang mga ginawa ko at sinagot mo ako,
ituro mo sa akin ang mga utos mo.
27 Tulungan mo akong maintindihan ang iyong mga utos,
mga magagandang bagay na ginawa mo, aaralin ko.
28 Hinang-hina ako sa sobrang lungkot,
palakasin mo ako gaya ng pangako mo.
29 Ilayo mo ako sa maling daan,
dahil mabuti ka, ituro mo sa akin ang iyong batas.
30 Nag-decide akong maging masunurin,
inuuna ko lagi ang iyong mga kautusan.
31 Sinunod ko ang mga utos mo, Lord,
wag sana akong mapahiya.
32 Excited kong susundin ang mga utos mo,
kasi palalawakin mo ang pag-iisip ko.
Hangarin na Maintindihan ang Utos ni Lord
33 Ituro mo sa akin, Lord, ang meaning ng mga utos mo,
susundin ko ang mga ito hanggang sa dulo.
34 Ipaintindi mo sa akin ang iyong batas, at susundin ko yun,
susundin ko yun nang buong puso.
35 Tulungan mo akong lumakad ayon sa mga utos mo,
masaya ako pag sinusunod ko ang mga yun.
36 Turuan mo ang puso ko na mag-focus sa mga utos mo,
imbes na pagpapayaman ang iniintindi ko.
37 Ilayo mo ang atensyon ko sa mga walang kwentang bagay,
ayon sa salita mo, bigyan mo ako ng buhay.
38 Tuparin mo ang pangako mo sa iyong lingkod,
yung promise mo sa mga sumusunod sayo.
39 I-save mo ako sa mga nakakatakot na pang-iinsulto,
mabuti ang mga kautusan mo!
40 Gusto kong sundin ang mga utos mo,
tama lahat ang ginagawa mo, bigyan mo ako ng buhay.
Willing na Sumunod sa mga Utos ni Lord
41 O Lord, ipakita mong mahal mo ako,
iligtas mo ako gaya ng promise mo,
42 tapos may isasagot na ako sa mga nang-iinsulto sa akin,
kasi tiwala ako sa iyong salita.
43 Umaasa ako na lagi kang patas mag-judge,
kaya tulungan mo akong laging magsabi ng totoo.
44 Lagi kong susundin ang iyong mga batas,
forever kong susundin ang mga ito.
45 Mabubuhay ako na talagang malaya,
kasi sinisikap kong sundin ang mga teachings mo.
46 Sasabihin ko sa mga hari ang iyong mga utos,
at hindi ako mapapahiya.
47 Na-eenjoy kong sundin ang mga utos mo,
kasi mahal ko ang mga ito.
48 Malaki ang respeto ko sa mga utos mo, mahal ko ang mga ito,
pag-aaralan kong mabuti ang mga teachings mo.
Salita ni Lord ang Aasahan
49 Wag mong kalimutan ang sinabi mo sa iyong lingkod,
nagbibigay yun sa akin ng pag-asa.
50 Ito ang nagpapalakas ng loob ko pag nahihirapan ako—
alam kong dahil sa promise mo, nabubuhayan ako.
51 Ang mga mayayabang, lagi akong pinagtatawanan,
pero ang mga batas mo, di ko tinatalikuran.
52 Pag naaalala ko ang mga kautusang sinabi mo nung dati pa,
Lord, napapanatag ako.
53 Nag-aapoy ang galit ko sa masasama
kasi ang batas mo, binabalewala nila.
54 Tungkol sa mga utos mo ang kinakanta ko,
habang nandito ako sa mundo.
55 Lord, naaalala kita pag gabi,
kaya sinusunod ko ang batas mo.
56 Blessing sa akin ito,
ang sumunod sa mga utos mo.
Kahit Anong Mangyari, kay Lord Ako
57 Ikaw ang lahat sa buhay ko, Lord,
promise, susundin ko ang mga salita mo.
58 I-bless mo ako, ito ang sigaw ng puso ko,
maawa ka sa akin kasi yun ang promise mo.
59 Pinag-isipan ko kung paano ako namumuhay,
at nag-decide akong sundin ang mga turo mo.
60 Susundin ko ang mga kautusan mo,
gagawin ko na yun, di na idi-delay.
61 Kahit i-trap pa ako ng masasama,
hindi ko kinakalimutan ang batas mo.
62 Bumabangon ako sa hatinggabi para purihin ka,
kasi patas ang mga hatol mo.
63 Kaibigan ako ng lahat ng may takot sayo,
silang lahat na sumusunod sa mga batas mo.
64 O Lord, ramdam sa buong mundo ang wagas na pag-ibig mo,
ituro mo sa akin ang iyong mga utos.
Turuan Mo Ako, Lord
65 O Lord, mabait ka talaga sa akin na servant mo,
tinupad mo ang iyong mga pangako.
66 Turuan mo akong mag-decide nang tama at maging matalino,
kasi tiwala ako sa utos na bigay mo.
67 Bago mo ako pinarusahan, pasaway ako,
pero ngayon, sinusunod ko na ang salita mo.
68 Mabuti ka talaga, lahat ng ginagawa mo ay maganda,
ituro mo sa akin ang mga batas mo.
69 Gumagawa ng kwento ang mayayabang para siraan ako,
pero buong puso ko pa ring sinusunod ang mga tinuro mo.
70 Walang alam ang mayayabang na yun,
pero ako, masaya sa mga utos mo.
71 Tama lang na pinarusahan ako,
kasi natutunan ko ang mga kautusan mo.
72 Para sa akin, mas mahalaga ang mga batas na bigay mo,
kesa sa lahat ng yaman sa mundo.
Yes, Lord, Tapat Ka
73 Ikaw ang nag-create at gumawa sa akin,
bigyan mo ako ng talino para maintindihan ko ang mga utos mo.
74 Makikita ako ng mga may takot sayo at magsasaya sila,
kasi sa salita mo ako umaasa.
75 Lord, alam kong matuwid kang mag-judge,
tapat ka, kaya tama lang na disiplinahin mo ako.
76 Iparamdam mo sa akin ang wagas na pag-ibig mo para maging panatag ako,
di ba yun ang promise mo sa servant mo?
77 Maawa ka sa akin para mabuhay ako,
kasi masaya ako sa batas na binigay mo.
78 Ipahiya mo ang mayayabang na naninira sa akin,
basta ako, magme-meditate sa mga salita mo.
79 Papuntahin mo sa akin ang mga nagwo-worship sayo,
para malaman nila ang mga utos mo.
80 Masunod ko sana lahat ng mga kautusan mo,
para hindi ako mapahiya.
Kelan Mo Ako Tutulungan, Lord?
81 Lord, pagod na ako sa kakahintay na i-save mo ako,
umaasa ako sa salita mo.
82 Namuti na ang mata ko kakahintay sa promise mo,
may tanong ako, “Kelan mo ba ako tutulungan?”
83 Wala na akong silbi, parang lumang lalagyan ng alak,
pero hindi ko pa rin kinalimutan ang mga tinuro mo.
84 Hanggang kelan pa ako magtitiis, ako na servant mo?
Kelan mo paparusahan yung mga umaapi sa akin?
85 Yung mayayabang na hindi sumusunod sa utos mo,
gumawa sila ng maraming hukay para i-trap ako.
86 Maaasahan lahat ng mga utos mo.
Tulungan mo ako, pinapahirapan ako at sinisiraan ng mga tao!
87 Muntik na nila akong mapatay,
pero di ko pa rin tinalikuran ang mga utos mo.
88 Dahil wagas kang magmahal, buhay ko ay sagipin,
at ang mga batas mo, patuloy kong susundin.
Laging Tapat si Lord
89 O Lord, walang katapusan ang salita mo,
tinatag mo yun nang matibay sa langit.
90 Lagi kang tapat sa lahat ng panahon,
matibay mong tinayo ang mundo, at di na yun maaalis sa lugar nya.
91 Nandito pa rin ang lahat ng bagay dahil sa utos mo,
kasi nagse-serve sayo ang lahat ng ito.
92 Kung wala ang batas mo na nagpapasaya sa akin,
namatay na sana ako sa tindi ng paghihirap ko.
93 Hindi ko kakalimutan ang mga utos mo,
kasi nagkaroon ako ng buhay dahil sa mga yun.
94 Ikaw ang may-ari ng buhay ko, iligtas mo ako!
Sinikap kong sundin ang mga utos mo.
95 Inaabangan ako ng masama para patayin,
pero magme-meditate ako sa mga batas mo.
96 Natutunan kong may limit ang lahat ng bagay,
pero ang utos mo, walang hangganan.
Mahal Ko ang Batas ni Lord
97 Mahal na mahal ko ang mga batas mo!
Buong araw, yan ang laman ng isip ko.
98 Mas matalino ako sa mga kaaway ko,
kasi laging nasa isip ko ang mga kautusan mo.
99 Mas may alam pa ako kesa sa lahat ng teachers ko,
kasi inaaral kong mabuti ang mga salita mo.
100 Mas marunong pa ako sa mga nakatatanda,
kasi ang mga utos mo ang sinusunod ko.
101 Iniwasan ko lahat ng gawaing masama,
kasi gusto kong sundin ang iyong salita.
102 Hindi ako lumayo sa iyong mga tuntunin,
kasi ikaw mismo ang nagturo sa akin.
103 Ang tamis namnamin ng mga teachings mo—
mas matamis pa sa honey!
104 Tumatalino ako dahil sa mga utos mo,
kaya ayaw na ayaw ko sa maling pamumuhay.
Nagbibigay-liwanag ang Salita ni Lord
105 Ang salita mo ay ilaw na guide ko sa daan,
at liwanag sa aking nilalakaran.
106 Nag-promise ako, at aking tutuparin,
matuwid mong mga utos, aking susundin.
107 O Lord, grabe ang paghihirap ko,
palakasin mo ako, gaya ng sinabi mo!
108 Lord, tanggapin mo ang papuring alay ko sayo,
at ituro mo sa akin ang mga utos mo.
109 Laging nasa panganib ang buhay ko,
pero hindi ko kinakalimutan ang batas na binigay mo.
110 Nag-set ng trap para sa akin ang masasama,
pero hindi ko pa rin sinusuway ang iyong mga salita.
111 Pamana mo sa akin ang mga utos mo magpakailanman,
masaya ang puso ko dahil sa mga yan.
112 Nag-decide na ako, susundin ko ang mga utos mo,
hanggang sa mamatay ako.
Safe Ako pag Kasama Ko si Lord
113 Galit ako sa mga hindi loyal sayo,
ang mahal ko ay ang batas mo.
114 Ikaw ang takbuhan ko at ang nag-iingat sa akin,
sa mga salita mo, dun ako umaasa.
115 Layuan nyo ako, kayong mga makasalanan,
kasi gusto kong sundin ang mga utos ng aking Diyos.
116 Gaya ng promise mo, palakasin mo ako at mabubuhay ako.
Sayo ako umaasa, wag mo sana akong ipahiya.
117 Alalayan mo ako at magiging safe ako,
at lagi kong bibigyan ng halaga ang mga utos mo.
118 Niri-reject mo lahat ng di sumusunod sa mga utos mo,
di uubra ang kanilang panloloko.
119 Basura ang tingin mo sa lahat ng masasama,
kaya ako, minamahal ko ang mga utos mo.
120 Nanginginig ang buong katawan ko sa takot sayo,
natatakot ako sa mga hatol mo.
Aalagaan Ako ni Lord
121 Ginawa ko kung anong tama at mabuti,
wag mo akong iwan sa mga nang-aapi sa akin.
122 I-promise mong aalagaan mo ako na servant mo,
wag kang pumayag na apihin ako ng mayayabang.
123 Pagod na mga mata ko kakahintay na iligtas mo ako,
kelan mo ba tutuparin ang pangako mo?
124 Ipa-experience mo sa akin ang wagas mong pagmamahal,
at ituro mo sa akin ang iyong mga kautusan.
125 Nagse-serve ako sayo, bigyan mo ako ng talino,
para maintindihan ko ang mga utos mo.
126 O Lord, oras na para kumilos ka,
kasi nilalabag ng mga tao ang batas mo.
127 Mas mahal ko ang mga utos mo kesa sa gold,
kesa sa pinakapurong gold.
128 Kaya sinusunod ko ang lahat ng teachings mo,
sa lahat ng maling gawain, galit ako.
Pag-asa sa Promise ni Lord
129 Napakaganda ng iyong mga utos,
kaya sinusunod ko ito nang buong puso.
130 Pag ine-explain ang mga salita mo, nagbibigay yun ng liwanag,
nagpapatalino sa taong walang alam.
131 Kumakabog ang dibdib ko sa saya,
kasi gustung-gusto kong pag-aralan ang mga utos mo.
132 Pansinin mo ako, maawa ka sa akin,
gaya ng ginagawa mo sa mga nagmamahal sayo.
133 Gaya ng promise mo, gawin mong matatag ang mga hakbang ko,
para sa kasalanan, wag akong mahulog.
134 I-save mo ako sa mga nang-aapi,
para masunod ko ang mga utos mo.
135 I-bless mo ako, matuwa ka sa iyong lingkod,
at ituro mo sa akin ang iyong mga utos.
136 Sindami na ng tubig sa ilog yung luhang iniyak ko,
binabalewala kasi ng mga tao ang batas mo.
Tama at Maaasahan ang Utos ni Lord
137 O Lord, matuwid ka,
at patas kang humatol.
138 Nagbigay ka ng mga utos
na talagang tama at maaasahan.
139 Nag-aapoy ang galit sa puso ko,
binabalewala kasi ng mga kaaway ko ang mga salita mo.
140 Subok ko na ang promise mo,
mahal ko talaga ito.
141 Di ako importante, minamaliit pa nga,
pero ang mga teachings mo, hindi ko kinakalimutan.
142 Forever ang pagiging matuwid mo,
at ang batas mo, laging totoo.
143 Gulung-gulo na ako, ang dami kong problema,
pero ang mga utos mo, nagbibigay sa akin ng saya.
144 Forever na makatarungan ang mga utos mo,
ipaintindi mo sa akin ang mga yun at mabubuhay ako.
Kailangan Ko ang mga Utos ni Lord
145 Buong puso akong tumatawag, O Lord,
sumagot ka, at susundin ko ang mga utos mo.
146 Tumatawag ako sayo,
iligtas mo ako para magawa ko ang mga utos mo.
147 Bago pa sumikat ang araw, humihingi na ako ng tulong sayo,
umaasa ako sa mga sinabi mo.
148 Buong gabi akong di makatulog,
pinag-iisipan ko ang mga pangako mo.
149 Sa wagas na pag-ibig mo, pakinggan mo ako,
O Lord, dahil patas kang humatol, iligtas mo ang buhay ko.
150 Nandyan na yung mga nagpapahirap sa akin, mga taong may masamang plano,
di sila sumusunod sa batas mo.
151 Pero malapit ka sa akin, O Lord,
lahat ng mga utos mo ay maaasahan.
152 Matagal ko nang natutunan sa mga utos mo,
na magtatagal ang mga ito forever.
Request para Iligtas ni Lord
153 Tingnan mo ang paghihirap ko, at i-save mo ako,
kasi di ko kinakalimutan ang batas mo.
154 I-defend mo ako at iligtas,
i-save mo ang buhay ko, gaya ng promise mo.
155 Hindi maliligtas ang masasama,
kasi di nila sinusunod ang mga utos mo.
156 Pero Lord, sobrang maawain ka,
matuwid kang humatol kaya iligtas mo ako!
157 Maraming nagpapahirap at kumakalaban sa akin,
pero di ako lumilihis sa mga utos mo.
158 Pag nakikita ko ang mga taksil sayo, inis na inis ako,
kasi di nila sinusunod ang utos mo.
159 Alam mo, Lord, mahal ko ang mga teachings mo.
Hindi nagbabago ang pag-ibig mo kaya i-save mo ako!
160 Ang pinakamensahe ng salita mo ay katotohanan,
matatag at di nagbabago ang lahat ng matuwid mong kautusan.
Sinusunod Ko ang mga Teachings ni Lord
161 Inaapi ako ng mga leader nang walang dahilan,
pero ang mga salita mo, buong puso kong ginagalang.
162 Sobrang saya ko sa mga promise mo,
para akong nakahanap ng maraming kayamanan.
163 Galit ako sa lahat ng hindi totoo,
pero minamahal ko ang batas mo.
164 Sa maghapon, seven times akong nagte-thank you sayo,
kasi matuwid kang mag-judge.
165 Talagang panatag ang mga nagmamahal sa batas mo,
di sila kayang pabagsakin ng kahit ano.
166 Lord, umaasa akong ise-save mo ako,
at ginagawa ko ang mga utos mo.
167 Sinusunod ko ang mga teachings mo,
mahal na mahal ko ang mga ito.
168 Sumusunod ako sa mga teachings at instructions mo,
nakikita mo ang lahat ng ginagawa ko.
Tiwala Ako, si Lord ang Tutulong
169 Lord, marinig mo sana ang iyak ko!
Tulungan mo akong makaintindi ayon sa salita mo.
170 Pakinggan mo ang prayer ko,
i-save mo ako, kasi yan ang promise mo.
171 Lagi akong magpupuri sayo,
kasi tinuturo mo sa akin ang mga utos mo.
172 Kakanta ako tungkol sa iyong salita,
kasi lahat ng utos mo ay tama.
173 Sana lagi kang handang tulungan ako,
kasi pinili kong sundin ang mga tuntunin mo.
174 O Lord, ang tagal ko nang hinihintay ang iyong pagliligtas,
pinapasaya ako ng iyong batas.
175 Bigyan mo pa ako ng buhay para mapuri kita,
tulungan sana ako ng iyong mga salita.
176 Para akong tupang naligaw,
please, hanapin mo ako na servant mo,
kasi di ko naman kinalimutan ang mga utos mo.