Psalms
Intro
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
75
76
77
78
79
80
81
82
83
84
85
86
87
88
89
90
91
92
93
94
95
96
97
98
99
100
101
102
103
104
105
106
107
108
109
110
111
112
113
114
115
116
117
118
119
120
121
122
123
124
125
126
127
128
129
130
131
132
133
134
135
136
137
138
139
140
141
142
143
144
145
146
147
148
149
150
Prayer ng Matatanda
1 Sayo ako lumalapit, Lord, para maging safe ako,
never sana akong mapahiya.
2 Laging tama ang ginagawa mo, kaya i-rescue mo ako at tulungan,
makinig ka sa akin, iligtas mo ako!
3 Ikaw sana yung maging bato na nagpo-protect sa akin,
matatag na pader, para i-save ako,
kasi ikaw ang takbuhan at depensa ko.
4 Diyos ko, iligtas mo ako sa masasama,
sa kamay ng mga malupit at mabagsik.
5 Ikaw, Lord, ang pag-asa ko,
simula pa nung bata, Lord, tiwala na ako sayo.
6 Buong buhay ko, sayo na ako umaasa,
mula nung pinanganak ako, iningatan mo na ako.
Tuluy-tuloy akong magpupuri sayo.
7 Naging example ang buhay ko sa maraming tao,
kasi ikaw ang matibay kong tagapagtanggol.
8 Buong araw kitang pinupuri,
lagi kong sinasabi, “Wow! Grabe, ang galing mo.”
9 Ngayong matanda na ako, wag mo sana akong ipagtabuyan.
Pag mahina na ako, wag mo sana akong pabayaan.
10 Yung mga kaaway ko, gusto akong patayin,
nag-uusap sila, nagpaplano laban sa akin.
11 Sabi nila, “Pinabayaan na sya ng Diyos.
Habulin natin sya, hulihin natin yan,
wala nang magse-save sa kanya.”
12 O Diyos, wag kang lumayo,
Diyos ko, bilisan mo, tulungan mo ako!
13 Yung mga naninira sa akin,
matalo sana sila at mawasak.
Yung mga gusto akong saktan,
mapahiya sana at pagtawanan.
14 Tuluy-tuloy akong aasa sayo,
pupurihin pa kita lalo.
15 Ipagsasabi ko ang mabubuti mong gawa,
buong araw kong ikukwento kung paano ka nagliligtas,
kahit na sobra pa yun sa kaya kong maintindihan.
16 Lord God, lalakad akong taglay ang lakas mo,
mabuti ka, kaya ikaw lang ang pupurihin ko.
17 O Diyos, bata pa lang ako, tinuruan mo na ako,
at sinasabi ko pa rin ang mga nakakabilib na ginawa mo.
18 Kaya ngayong matanda na ako at maputi na ang buhok,
O Diyos, wag mo akong pabayaan,
hanggang makwento ko ang kapangyarihan at lakas mo
sa lahat ng susunod na generation.
19 O Diyos, abot sa langit ang pagiging matuwid mo.
Grabe, ang galing ng mga ginawa mo!
O Diyos, wala kang katulad.
20 Pinadaan mo ako sa matinding hirap at sakit,
pero muli mo akong palalakasin,
mula sa hukay, ibabangon mo ako ulit.
21 Iaangat mo pa ang dangal ko,
at pagagaanin mo ulit ang loob ko.
22 Tutugtugin ko ang harp para purihin ka,
pupurihin kita, O Diyos, kasi tapat ka talaga.
Kakantahan kita ng papuri kasabay ng harp,
O Banal na Diyos ng Israel.
23 Magse-celebrate ako habang nagpupuri sayo,
kakantahan kita nang bigay todo,
kasi sinave mo ang buhay ko.
24 Yung kabutihan mo, buong araw kong babanggitin,
kasi natalo na at napahiya yung mga gustong manakit sa akin.