Psalms
Chapter 79
O Diyos, Iligtas Mo ang Jerusalem
1 Diyos ko, sinakop ng mga dayuhan ang lupain mo.
Binastos nila ang banal mong temple,
at winasak nila ang Jerusalem.
2 Pinakain nila sa mga ibon ang katawan ng mga nagse-serve sayo,
pinakain sa mababangis na hayop ang mga lingkod mo.
3 Ang dugo ng bayan mo parang tubig na kanilang binuhos,
sa buong Jerusalem, ito ay umagos,
walang natirang buháy para maglibing sa mga bangkay.
4 Mga katabing bansa, sobra kaming nilait,
pinagtawanan at minaliit ng mga bayan sa paligid.
5 Lord, hanggang kelan ganito? Forever ka na bang galit?
Di na ba huhupa ang apoy ng galit mo sa amin?
6 Dun ka magalit sa mga bansang di nagwo-worship sayo,
sa mga taong di naman nagpe-pray sayo.
7 Pinatay nila ang bayan mo,
winasak ang lupaing tinitirhan nila.
8 Yung kasalanan ng ancestors namin, wag mo sa amin singilin.
Bilisan mo, maawa ka sa amin,
wala na kaming pag-asa.
9 O Diyos na nagliligtas sa amin, tulungan mo kami,
sagipin mo kami, patawarin sa aming mga kasalanan,
para maitaas ang iyong pangalan.
10 Bakit magtatanong ang mga bansa,
“O, nasaan na ang Diyos nyo?”
Lord, ipakita mo sa amin na gagantihan mo
ang mga bansang walang-awang pumatay sa mga servants mo.
11 Pakinggan mo ang iyak ng mga nasa kulungan,
malakas ka at makapangyarihan, iligtas mo ang mga nahatulang mamatay.
12 Lord, gantihan mo ang panlalait sayo ng mga nakapaligid na bansa,
ibalik mo yun sa kanila, seven times na mas malala pa.
13 At kami na iyong bayan, mga tupang iyong inaalagaan,
forever kaming magte-thank you sayo.
Pupurihin ka namin sa generation na ito at sa mga susunod pa.