Concerned ang Diyos sa Israel
1 Mga kababayan, may ituturo ako, makinig kayo,
pakinggan nyong mabuti ang mga sasabihin ko.
2 Tuturuan ko kayo gamit ang mga kasabihan,
i-eexplain ko ang mga nangyari noon na mahirap maintindihan,
3 mga bagay na narinig namin at nalaman,
mga bagay na tinuro ng aming mga ninuno.
4 Hindi namin ito itatago sa aming mga anak.
Ikukwento namin sa susunod na generation,
ang mga nakakabilib na ginawa ni Lord, kung gaano sya kalakas,
at yung mga miracles na ginawa nya!
5 Nagbigay sya ng batas sa angkan ni Jacob,
binigyan nya ng mga utos ang bayan ng Israel.
Tapos sinabi nya sa mga ancestors natin
na ituro ang mga ito sa mga anak nila.
6 Gusto nya kasing malaman ito ng mga susunod na generation,
kahit yung mga ipapanganak pa lang,
tapos ipapasa nila ito sa magiging anak nila.
7 Dahil dito, magtitiwala sila sa Diyos,
di mawawala sa isip nila ang mga ginawa nya,
at lagi nilang susundin ang kanyang mga utos.
8 Di sila gagaya sa mga ninuno nila
na matigas ang ulo at hindi masunurin,
kulang sa tiwala at hindi naging tapat sa Diyos.
9 Mga taga-Ephraim, may dala pang mga pana,
pero nung oras ng labanan, biglang nag-atrasan.
10 Sinira nila ang kasunduan nila sa Diyos,
ayaw nilang sundin ang kanyang utos.
11 Di na nila maalala ang mga ginawa nya,
kahit yung mga himalang pinakita nya sa kanila.
12 Gumawa sya ng mga himala, kitang-kita yun ng mga ninuno nila,
dun sa lugar ng Zoan, sa lupain ng Egypt.
13 Hinati nya ang dagat at pinatawid sila dun,
pinatayo nya ang tubig na parang pader sa magkabilang side.
14 Sa umaga, naglagay sya ng ulap para mag-lead sa kanila,
sa buong gabi naman, apoy na maliwanag.
15 Biniyak nya ang bato sa desert,
pinainom nya ang mga tao ng saganang tubig mula sa kalaliman.
16 Pinaagos nya ang tubig mula sa bato
at pinadaloy nya ito na parang ilog.
17 Pero tuloy pa rin sila sa pagkakasala,
at dun sa desert, nagrebelde sila sa Diyos na Pinakamataas.
18 Tinest talaga nila ang pasensya ng Diyos,
nag-demand sila ng pagkaing gustung-gusto nila.
19 Nagsalita sila laban sa Diyos, sabi nila,
“Mapapakain ba tayo ng Diyos dito sa disyerto?
20 Oo nga, pinalo nya yung bato,
may lumabas na tubig, napakalakas ng agos,
pero kaya nya rin bang magbigay ng tinapay o karne sa bayan nya?”
21 Nung marinig ito ni Lord, nagliyab ang galit nya,
sumiklab ang apoy nya sa angkan ni Jacob,
nagpatung-patong ang galit nya sa Israel.
22 Ayaw kasi nilang magtiwala sa Diyos,
hindi sila naniwalang ililigtas sila.
23 Pero inutusan pa rin ng Diyos ang langit,
pinabuksan nya ang mga pinto nito.
24 Nagpaulan sya ng manna para kainin nila,
pagkain galing sa langit ang binigay nya.
25 Pagkain ng mga angels ang kinain ng mga tao,
sobra pa sa kailangan nila ang binigay nya.
26 Nagpadala ang Diyos ng hangin mula sa east,
sa kapangyarihan nya, pinaihip nya pati hangin sa south,
27 nagpaulan sya ng mga ibon sa mga tao,
sindami yun ng buhangin sa dagat.
28 Nagbagsakan ang mga ibon sa gitna ng kanilang kampo,
at sa paligid ng mga tents nakakalat ang mga ito.
29 Nabusog ang mga tao sa kanilang kinain,
binigay ng Diyos ang kine-crave nilang kainin.
30 Pero bago pa sila mag-enjoy nang todo,
mga pagkain nila, ni hindi pa nalulunok,
31 tumindi ang galit ng Diyos sa kanila,
pinatay nya ang pinakamalalakas,
tinapos nya ang buhay ng mga mahuhusay na binata sa Israel.
32 After ng lahat ng ito, sige pa rin sila sa paggawa ng kasalanan,
kahit gumawa sya ng mga himala, di pa rin sila naniwala.
33 Kaya ayun, parang hininga, bigla silang nawala,
nakakatakot na kamatayan ang sinapit nila.
34 Nung pinatay ng Diyos ang ilan sa kanila,
nagbalik-loob ang iba, nagsisi sa kasalanan,
at buong puso silang lumapit sa kanya.
35 Naalala nilang ang Diyos ang matibay na batong nag-protect sa kanila,
ang Pinakamataas na Diyos ang nag-save sa kanila.
36 Pero binola lang nila ang Diyos,
nagsinungaling sila sa kanya.
37 Nagtaksil sila sa Diyos,
di sila naging tapat sa kasunduan nila sa kanya.
38 Pero dahil sobrang bait ng Diyos,
pinatawad nya ang mga kasalanan nila,
at hindi sila winasak nang lubos.
Maraming beses syang nagpigil ng galit,
hindi sya nagalit nang sobra.
39 Naalala nyang tao lang sila,
parang hangin na dumadaan tapos nawawala na.
40 Nung nasa desert sila, madalas silang lumaban sa Diyos,
ilang beses nilang pinasama ang loob nya.
41 Paulit-ulit nilang tinest ang pasensya nya,
ginalit nila ang Banal na Diyos ng Israel.
42 Nakalimutan na nila kung gaano sya ka-powerful,
at kung paano sila niligtas sa mga kalaban,
43 di na nila naalala yung signs na pinakita nya at mga ginawa nyang himala
dun sa lugar ng Zoan, sa lupain ng Egypt.
44 Ang tubig sa ilog, ginawa nyang dugo,
kaya sa mga batis, wala nang makainom.
45 Nagpadala sya ng napakaraming langaw na pumeste sa mga taga-Egypt,
at mga palaka na sumira sa lupa nila.
46 Kinain ng mga insekto ang kanilang mga tanim,
mga bungang pinaghirapan, sinira din.
47 Nagpaulan sya ng yelo, winasak ang mga tanim na grapes,
sa matinding lamig, nasira pati mga puno ng figs.
48 Namatay din ang mga baka nila nung umulan ng yelo,
pati mga tupa, patay nung tamaan ng kidlat.
49 Pinaranas nya sa kanila ang kanyang bagsik,
matinding galit, ngitngit, at pasakit,
mga messengers na kamatayan ang hatid.
50 Pinakawalan nya ang kanyang galit,
di nya sila sinave, hinayaan silang mamatay,
mga salot ang tumapos sa kanilang buhay.
51 Mga panganay na lalaki ng Egypt, kanyang pinatay,
yung mga unang anak sa lahi ni Ham.
52 Tapos, para syang shepherd, ni-lead nya ang bayan nya,
sya ang guide nila nung nasa desert sila.
53 Hindi natakot ang mga tao kasi ni-lead nya sila nang buong ingat,
pero ang mga kaaway nila, ayun, nalunod sa dagat.
54 Dinala nya ang bayan sa banal nyang lugar,
dun sa bundok na sya mismo ang sumakop.
55 Tinaboy nya ang mga taong nandun,
dinivide nya ang lupa nila sa bawat tribo ng Israel
at pinatira ang bayan nya sa mga bahay nila.
56 Pero nagrebelde sila, tinest nila ang Pinakamataas na Diyos,
di nila ginawa ang mga utos nya.
57 Tumalikod sila at nagtraydor gaya ng mga ninuno nila,
di sila maaasahan, parang baluktot na pana.
58 Iba ang winorship nila kaya nagalit ang Diyos,
nagselos sya sa mga ginawa nilang diyus-diyosan.
59 Sobrang nagalit ang Diyos nung makita nya yun,
kaya totally ni-reject nya ang Israel.
60 Iniwan nya ang bahay nya sa Shiloh,
dun sya tumira dati kasama natin.
61 Sinuko nya ang power nya sa mga kalaban,
ang glory nya, binigay nya sa mga kaaway.
62 Hinayaan nyang patayin sila ng mga kalaban,
binuhos nya ang galit nya sa sarili nyang bayan.
63 Napatay sa labanan ang mga binata,
kaya wala nang mapangasawa ang mga dalaga.
64 Pinatay pati ang mga priest,
kanilang mga byuda, hindi makapagluksa.
65 Finally, gumising ang Panginoon,
bumangon syang parang warrior na nakainom.
66 Sinugod nya ang mga kaaway, nag-atrasan sila,
pinahiya nya sila, forever na yung maaalala.
67 Pero ni-reject nya ang mga anak ni Joseph,
hindi nya pinili ang tribe ni Ephraim.
68 Pinili nya ang tribe ni Judah,
at ang Mt. Zion na minamahal nya.
69 Dun nya tinayo ang kanyang Temple,
gaya ng bahay nya sa langit,
ginawa nya itong sintibay ng mundo,
matatag at never na guguho.
70 Pinili ng Diyos ang servant nyang si David,
kinuha sya galing sa bukid,
71 dati nag-aalaga sya ng mga tupa,
pero ginawa syang shepherd ng bayan ng Diyos,
ginawa syang hari ng Israel.
72 Buong puso nyang inalagaan ang bansa,
mahusay syang nag-lead sa bayan.