Psalms
Chapter 13
Hanggang Kelan, Lord?
1 Hanggang kelan, Lord? Forever mo na ba akong kakalimutan?
Hanggang kelan mo ako hindi papansinin?
2 Gaano katagal kong titiisin itong hirap na dinadala ko?
Araw-gabi na lang bang mahihirapan ang puso ko?
Lagi na lang ba akong talo sa mga kaaway ko?
3 O Lord, Diyos ko, tingnan mo ako, sumagot ka.
Ibalik mo yung lakas ko para di pa ako mamatay,
4 para di masabi ng kaaway ko na natalo nila ako,
at di sila mag-celebrate sa pagbagsak ko.
5 Umaasa ako sa pagmamahal mong laging nandyan,
gusto kong mag-celebrate kasi ise-save mo ako.
6 Kakantahan kita, Lord,
kasi grabe, sobrang bait mo sa akin.