Psalms
Chapter 3
Prayer sa Umaga
1 Ang dami kong kaaway, Lord,
ang daming kumakalaban sa akin!
2* Pinag-uusapan nila ako,
sabi nila, “Hindi yan tutulungan ng Diyos!”
3 Pero ikaw, Lord, ang shield na nagpo-protect sa akin,
ang panalo ko ay galing sayo,
binabalik mo ang tapang at confidence ko.
4 Tumatawag ako kay LORD,
at sumasagot sya mula sa banal nyang bundok.
5 Humihiga ako, natutulog nang mahimbing,
at sa umaga muling nagigising,
kasi si Lord ang nagbabantay sa akin.
6 Hindi ako takot sa libu-libong kalaban
na nakapaligid sa akin at nag-aabang.
7 O Lord, aking Diyos,
kumilos ka, iligtas mo ako!
Parusahan mo lahat ng kaaway ko,
basagin mo ang mga panga nila.
8 Ikaw, Lord, ang nagliligtas—
i-bless mo po ang iyong bayan.

Footnotes


3:2 + Sa Hebrew, may nakasulat dito na Selah, hindi sure kung ano ang meaning ng salitang ito. Nakasulat din ito sa iba pang verses sa Psalms.