Psalms
Intro
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
75
76
77
78
79
80
81
82
83
84
85
86
87
88
89
90
91
92
93
94
95
96
97
98
99
100
101
102
103
104
105
106
107
108
109
110
111
112
113
114
115
116
117
118
119
120
121
122
123
124
125
126
127
128
129
130
131
132
133
134
135
136
137
138
139
140
141
142
143
144
145
146
147
148
149
150
Please Lord, Tulong!
1 Lord, labanan mo yung mga lumalaban sa akin,
at saktan mo yung mga nananakit sa akin!
2 Kunin mo ang shield at armor mo,
tulungan mo na ako!
3 I-ready mo ang palakol mo at sibat,
para labanan yung mga humahabol sa akin.
Sabihin mo sa akin,
“Ililigtas kita, akong bahala sayo.”
4 Yung mga gusto akong patayin,
matalo sana at mapahiya!
Yung mga nagpaplano ng masama sa akin,
habulin mo sila at lituhin.
5 Itaboy sana sila ng angel mo, Lord,
kagaya ng ipa na tinatangay ng hangin!
6 Maging madilim sana at madulas ang daan nila,
habang hinahabol sila ng angel mo, Lord!
7 Gusto nila akong i-trap nang walang dahilan,
mapatay lang ako, humukay pa nang malalim.
8 Pero magugulat na lang sila, bigla silang mapapahamak.
Sa sinet nilang trap, sila mismo ang babagsak,
malalaglag sila at dun mawawasak!
9 Tapos magse-celebrate ako dahil kay Lord,
niligtas nya ako, kaya ako masaya.
10 Buong puso kong sasabihin,
“Lord, wala kang kagaya.
Nililigtas mo ang mahihina sa mga umaabuso sa kanila,
at ang mahihirap, sa mga nang-aapi.”
11 Naglabasan ang mga sinungaling na witness,
pinagbibintangan ako sa mga bagay na wala akong kinalaman.
12 Sa ginawa kong mabuti, masama ang ginanti,
grabe, nalungkot talaga ako.
13 Pero nung sila ang nagkasakit,
para akong namatayan, hindi ako kumain.
Nakayuko ako, nag-pray nang taimtim,
14 parang ang pinagpe-pray ko, sarili kong kapatid o kaibigan.
Lumakad akong sobrang tamlay,
na parang nanay ko ang namatay.
15 Pero nung nagkaproblema ako, tuwang-tuwa sila,
sama-sama nila akong pinagtripan.
Ginulpi ako ng mga di ko naman kilala,
binugbog ako, hindi ako tinigilan.
16 Nilait-lait nila ako, bastusan talaga!
Gigil na gigil sila sa galit sa akin.
17 Pero Lord, bakit nanonood ka lang?
Hanggang kelan ka ganyan?
Iligtas mo ako sa mga lion na ito,
sasakmalin nila ako!
18 Tapos pag nagsama-sama ang bayan mo, magte-thank you ako sayo.
Pupurihin kita sa harap ng maraming tao.
19 Yung mga sinungaling kong kaaway,
wag mong hayaang mag-celebrate sa pagkatalo ko.
Yung mga galit sa akin na walang dahilan,
wag mong hayaang magtawanan pag ako'y nahihirapan.
20 Masakit silang magsalita,
nag-iimbento sila ng kwento
para siraan ang mga taong gusto ang tahimik na buhay.
21 Pinagbibintangan nila ako, sumisigaw pa:
“Hoy! Nakita namin ang ginawa mo!”
22 Pero ikaw, O Lord, nakikita mo ang lahat,
kaya wag kang manahimik lang!
Lord, wag mo akong iwan!
23 Gumising ka, Lord, i-defend mo ako,
O Diyos, bumangon ka at ipaglaban mo ako!
24 Matuwid ka, Lord, kaya i-declare mo akong walang kasalanan,
wag mong hayaang pagtawanan ako ng mga kaaway ko.
25 Wag mong payagang sabihin nila,
“Yes! Nangyari na ang gusto namin!
Nilamon na namin sya nang buháy!”
26 Yung mga nagsasaya pag nagsa-suffer ako,
ipahiya mo sila at lituhin.
Mapahiya sana sila, masira ang reputasyon,
sila na nagsasabing mas magaling sila sa akin.
27 At yung mga gustong ma-prove na wala akong kasalanan,
magsaya sila, at sabihin nang paulit-ulit,
“Lord, ang galing mo!
Natutuwa ka pag maayos ang buhay ng servant mo!”
28 Tapos ipagsasabi ko na tama ang lahat ng ginagawa mo,
sa buong araw, pupurihin kita.