Psalms
Chapter 137
Lungkot ng mga Bihag sa Babylon
1 Sa tabi ng mga ilog ng Babylon,
nakaupo kami dun at umiiyak,
pag naiisip namin ang Zion.
2 Sa mga sanga ng puno sa paligid,
sinabit na namin ang mga harp namin.
3 Pinapakanta kami ng mga bumihag sa amin,
i-entertain daw namin sila,
sabi nila, “Kantahan nyo nga kami ng tungkol sa Zion!”
4 Paano kami kakanta para kay Lord
kung bihag kami sa ibang bayan?
5 O Jerusalem, pag nalimutan kita,
sana di ko na magamit sa pagtugtog ang kamay ko!
6 Mawalan na sana ng silbi ang dila ko,
pag di na kita naaalala,
pag kinalimutan kong ikaw ang pinaka nagpapasaya sa akin.
7 O Lord, wag mong kalimutan ang ginawa ng mga Edomites,
nung araw na binihag nila ang Jerusalem.
Ang sinasabi nila nun,
“Sirain na yan, wasakin hanggang sa pundasyon!”
8 Babylon, mawawasak ka din!
Mapalad ang mga gaganti sayo
sa masasamang ginawa mo sa amin.
9 Mapalad ang kukuha ng mga baby mo
para ihampas sila sa bato!