Psalms
Chapter 76
Panalo ang Diyos
1 Ang Diyos ay kilalang-kilala sa Judah,
sa buong Israel, nirerespeto ang pangalan nya.
2 Nasa Jerusalem ang bahay nya,
sa Mt. Zion, dun sya nakatira.
3 Lahat ng armas ng mga kaaway, dun nya sinira,
mga pana, shield, pati mga espada.
4 O Diyos, grabe talaga ang iyong karangalan!
Napakaganda mo habang bumababa ka mula sa bundok,
kung saan mo tinalo ang mga kaaway mo.
5 Natalo ang matatapang na sundalo,
mga nasamsam nila, kinuha rin sa kanila,
ngayon sila'y nakahimlay, wala nang silbi ang mga kamay.
6 O Diyos ni Jacob, sa isang sigaw mo lang,
mga kabayo at sakay nila, biglang bumulagta.
7 Lord, sobrang nakakatakot ka!
Pag nagalit ka, sino ang may kayang humarap sayo?
8 Nag-judge ka mula sa langit.
Natakot ang buong mundo at hindi nakaimik
9 nung tumayo ka para i-announce ang hatol mo,
para iligtas ang lahat ng aping-api sa mundo.
10 Nagiging papuri sayo kahit magalit ang mga tao,
mga kaaway na naka-survive, magse-celebrate dahil sayo.
11 Ibigay nyo kay Lord na inyong Diyos yung mga pinromise nyo,
mga bansang nakapaligid, dalhan sya ng mga regalo,
sya na ginagalang ng lahat.
12 Mga prinsipeng nagmamataas, kanyang binababa,
natatakot sa kanya mga haring dakila.