Introduction
Ang Psalms ay isang libro ng mga kanta at prayer kaya tinatawag din itong “prayer book” ng Bible. Sa loob ng lampas 500 years, sinulat ang mga kanta at prayers na ito ng ibat-ibang tao at inipon para gamitin ng mga taga-Israel sa kanilang worship, hanggang sa naging bahagi na ang mga ito ng Scriptures.
May ibat-ibang klase ang mga Psalms: may mga kanta ng pagpupuri at ng pasasalamat, mga worship songs, at mga prayers tungkol sa paghingi ng tulong, protection laban sa mga kaaway, at paghingi ng tawad sa Diyos. Makikita rin sa Psalms ang malawak at ibat-ibang damdamin ng tao—lungkot at saya, dismaya at pag-asa, pagdududa at tiwala, hirap at lakas ng loob, galit at pagiging kontento. May dalawang klase ng prayers sa Psalms: mga personal na prayers na nagpapakita ng nararamdaman ng isang tao, at mga prayers para sa bansa na nag-eexpress ng pangangailangan at damdamin ng buong bayan ng Diyos.
Maraming naniniwala na si David ang sumulat sa maraming Psalms. Sa ibang mga psalms nakasulat kung anong musical instrument ang ginagamit at kung paano yun kinakanta.
Gumamit si Jesus ng Psalms nung nagtuturo sya sa mga tao. Kino-quote din ang mga ito sa New Testament, at naging mahalagang libro ito na ginagamit ng mga Christians sa pagwo-worship mula pa nung nagsisimula ang church.
Outline
Outline
- May limang grupo ang 150 na Psalms:
- Book One (Psalm 1–41)
- Book Two (Psalm 42–72)
- Book Three (Psalm 73–89)
- Book Four (Psalm 90–106)
- Book Five (Psalm 107–150)