Psalms
Chapter 105
Kwento tungkol sa Israel
1 Magpasalamat kay Lord, purihin sya,
sabihin sa lahat ng tao ang mga ginawa nya!
2 Kantahan si Lord, kantahan ng papuri,
sabihin lahat ang ginawa nyang nakakabilib!
3 Magsaya sa banal na pangalan nya,
mag-celebrate ang mga nagwo-worship kay Lord.
4 Lumapit kay Lord, umasa sa lakas nya,
laging mamuhay sa presensya nya!
5 Tandaan nyo ang magaganda nyang ginawa,
mga miracles, at mga tama nyang desisyon,
6 kayong mga anak ng servant nyang si Abraham,
mga anak ni Jacob, pinili nyang bayan!
7 Si Lord ang ating Diyos,
buong mundo ang sakop ng hatol nya.
8 Never nyang kakalimutan ang ginawa nyang kasunduan,
tutuparin nya ang mga promise nya hanggang sa isang libong generation.
9 Ito yung kasunduang ginawa nya kay Abraham,
yung sinumpaan nyang promise kay Isaac.
10 Pinagtibay nya ang kasunduan kay Jacob,
yung usapan nila na panghabang panahon.
11 Sabi nya, “Ibibigay ko sa inyo ang lupain ng Canaan,
magiging inyo yun bilang inyong mana.”
12 Noon, iilan pa lang sila,
mga dayo lang sila sa Canaan,
13 pagala-gala sila sa ibat-ibang bansa,
palipat-lipat sa mga kaharian at bayan.
14 Di pumayag ang Diyos na may umapi sa kanila,
binalaan nya ang mga hari alang-alang sa kanila.
15 Sabi nya, “Wag nyong sasaktan ang mga pinili ko,
wag nyong gagalawin ang mga prophet ko!”
16 Pinaranas nya ang taggutom sa buong lupain,
inalis nya ang lahat ng supply ng pagkain.
17 Pero bago pa yun, may pinauna na syang isang tao sa kanila,
si Joseph, na binenta at naging alipin.
18 Nakagapos ang mga paa nya,
pati leeg nya, nakakadena,
19 hanggang sa nangyari nga yung sinabi nya,
pinrove ng salita ni Lord na tama sya.
20 Tapos pinalaya sya ng hari ng Egypt,
pinalaya sya ng leader ng mga tao.
21 Ginawa syang in-charge sa lahat ng nasasakupan ng hari,
pina-manage sa kanya ang buong lupain.
22 Naging mas mataas sya sa mga opisyal,
at tinuruan nya ang mga adviser ng hari.
23 Tapos pumunta si Jacob sa Egypt,
dun na sya tumira sa lupaing yun.
24 Binigyan ni Lord ng maraming anak ang bayan nya,
pinalakas sila, mas malakas pa sa mga kaaway nila.
25 Sinet nya ang puso ng mga Egyptians para magalit sa bayan nya
at lokohin silang mga servants nya.
26 Tapos, pinapunta nya ang servant nyang si Moses,
at si Aaron na pinili nya.
27 Ginawa nila sa harap ng mga tao ang mga himala ng Diyos,
pati mga miracles sa lupain ng Egypt.
28* Nagpadala ang Diyos ng dilim sa buong lupain,
pero hindi nila sinunod ang mga utos nya.
29 Ginawa nyang dugo ang tubig sa mga ilog,
at namatay lahat ng isda.
30 Napuno ng palaka ang buong lupain,
pati ang palasyo, dinagsa rin.
31 Nag-utos ang Diyos, at dumating ang napakaraming langaw,
pati maliliit na insekto, nagliparan sa buong lugar.
32 Imbes na ulan, yelo ang binuhos nya,
at nagpakidlat sya sa buong lupain.
33 Sinira nya ang mga grapevine at mga fig tree,
lahat ng puno sa bansa, winasak nya.
34 Sa isang utos nya, dumagsa ang mga locust,
sobrang daming locust, di mabilang sa dami.
35 Sinira nila lahat ng tanim sa lupain,
lahat ng bunga ng lupa, lahat yun ay kinain.
36 Pinatay ng Diyos lahat ng panganay na lalaki ng Egypt,
ang unang bunga ng lakas nila.
37 Tapos ang Israel, ni-lead nya palabas,
may dala silang mga silver at gold,
lahat sila malakas at malusog.
38 Nagsaya ang Egypt nung umalis na sila,
kasi takot na takot ang mga tao sa kanila.
39 Naglatag ang Diyos ng ulap para maliliman ang mga tao,
at naglagay ng apoy para maging ilaw sa gabi.
40 Humingi sila ng pagkain, at nagpadala sya ng mga pugo,
binigyan din sila ng maraming manna galing sa langit.
41 Biniyak nya ang bato, at umagos ang tubig galing dun,
parang ilog yun na dumaloy sa desert,
42 kasi di nya nakalimutan ang banal na promise nya
kay Abraham na servant nya.
43 Kaya ni-lead nya palabas ang bayang pinili nya,
nagkakantahan sila at nagse-celebrate.
44 Binigay nya sa kanila ang lupa ng mga bansa,
naging kanila ang pinaghirapan ng iba,
45 para mahalin nila ang kanyang mga utos,
at sundin ang kanyang mga batas.
Praise the LORD!

Footnotes


105:28 + hindi nila sinunod: Sa mga lumang translation, sinunod nila.