Mabuti si Lord sa Bayan Nya
1 Praise the Lord!
Magpasalamat kay Lord, kasi mabuti sya,
forever sya kung magmahal!
2 Sobrang galing ng mga ginawa ni Lord, sinong makakapagkwento nun?
May papuri bang papantay sa lahat ng ginawa nya?
3 Masaya ang taong patas sa lahat ng bagay,
yung laging gumagawa ng tama!
4 Lord, pag tinulungan mo ang bayan mo, wag mo akong kalimutan,
i-save mo rin ako pag niligtas mo sila.
5 Sana makita kong umunlad ang bayan mong pinili.
Gusto kong makisaya sa bansa mo
at maging proud kasama ng iyong bayan.
6 Nagkasala kami, gaya ng aming mga ninuno,
mali ang ginawa namin, naging masama kami.
7* Nung nasa Egypt ang mga ninuno namin,
binalewala nila yung mga himala ng Diyos,
nakalimutan nila ang laki ng pagmamahal nya,
at doon sa Red Sea, nagrebelde sila sa Diyos na Pinakamataas.
8 Pero niligtas nya pa rin sila, kasi tapat sya sa pangako nya,
para ipakita sa tao na powerful nga sya.
9 Sa isang salita nya, natuyo ang Red Sea,
tinawid nya sila sa dagat, parang sa desert lang sila naglakad.
10 Sinave nya sila sa kamay ng kaaway,
niligtas mula sa lakas ng kalaban.
11 Yung mga kaaway, nilamon ng tubig,
kahit isa sa kanila, walang natira.
12 Tapos, naniwala ang bayan nya sa mga sinabi nya,
kumanta sila at pinuri sya.
13 Pero nakalimutan agad nila ang mga ginawa nya,
basta sila nag-decide, di na hinintay ang sasabihin nya.
14 Dun sa desert, hinanap nila yung mga pagkaing gustung-gusto nila,
sinubukan nila ang pasensya ng Diyos,
15 kaya pinagbigyan nya ang gusto nila,
pero nagpadala din sya ng malalang sakit.
16 Nung nag-stay sila sa desert, nainggit sila kay Moses
at kay Aaron, ang banal na servant ni Lord.
17 Kaya bumuka ang lupa at nilamon si Dathan,
si Abiram at mga kasama nya, lahat sila, natabunan.
18 Tapos may sumiklab na apoy at nasunog ang mga kasama nila,
tinupok ng apoy yung mga masasama.
19* Dun sa may Mt. Sinai, gumawa sila ng rebultong baka,
ang rebultong yun ang sinamba nila.
20 Pinagpalit nila ang dakilang Diyos
sa rebulto ng isang hayop na kumakain ng damo.
21 Nakalimutan na nila ang Diyos na nag-save sa kanila,
na gumawa ng mga amazing na bagay nung nasa Egypt pa sila.
22 Sobrang galing ng mga ginawa nya dun!
Ang tindi ng mga ginawa nya dun sa Red Sea!
23 Kaya nag-decide ang Diyos na wasakin sila,
pero namagitan sa kanila si Moses, ang servant na pinili nya,
nakiusap na wag na syang magalit at wag na silang wasakin.
24 Tapos ang magandang lupain, inayawan nila,
sa pangako ng Diyos, di sila naniwala.
25 Nandun sila sa mga tent, ang dami nilang angal,
di sila nakinig sa sinasabi ni Lord.
26 Kaya sumumpa sya sa kanila,
na papatayin nya sila sa disyerto.
27 Ikakalat nya sa mga bansa ang mga anak nila,
dun na sila mamamatay sa ibang bayan.
28 Tapos dun sa Peor, sinamba nila si Baal,
kumain sila ng mga sacrifice na inoffer sa mga patay.
29 Sa mga ginawa nilang ito, ginalit nila si Lord,
kaya may malalang sakit na kumalat sa kanila.
30 Pero tumayo si Phinehas, pinarusahan ang may kasalanan,
kaya natigil na yung nakakamatay na sakit.
31 Tinuring na tama ang ginawa nya, kaya lagi na syang maaalala,
sa generation na ito hanggang sa mga susunod pa.
32 Sa bukal ng Meribah, ginalit nila si Lord,
napasamâ tuloy si Moses dahil sa kanila.
33 Nasaktan talaga si Moses sa ginawa nila,
kung anu-ano tuloy ang nasabi nya.
34 Di nila pinatay ang mga tao sa Canaan,
yun pa naman ang inutos ni Lord sa kanila.
35 Instead, nakisama pa sila sa mga tagaroon,
nakigaya sila sa buhay ng mga yun.
36 Nag-serve sila sa mga diyus-diyosan,
at yun ang sumira sa kanila.
37 Sarili nilang mga anak, sinacrifice nila,
inalay sa mga diyus-diyosan.
38 Pinatay nila ang mga inosenteng bata,
sinacrifice ang mga anak nila sa mga diyus-diyosan ng Canaan,
kaya nadungisan ng dugo ang lupain.
39 Sa mga ginawa nilang yan, naging marumi sila,
para silang babaeng nagtaksil sa asawa.
40 Kaya nagalit si Lord sa kanila,
halos isuka nya ang bayang pinili nya.
41 Pinabayaan nya sila sa kamay ng mga bansa,
kaya nasakop sila ng mga galit sa kanila.
42 Inapi sila ng mga kaaway,
pinailalim sila sa lakas ng kalaban.
43 Maraming beses silang niligtas ni Lord,
pero nagrebelde pa rin sila,
at nalunod na talaga sa kasalanan.
44 Pero nakinig pa rin si Lord nung umiyak sila,
nakita nya na sobra silang nahihirapan.
45 Para sa kanila, inalala nya ang kanyang kasunduan,
grabe talaga sya magmahal, kaya nagbago ang isip nya.
46 Gumawa si Lord ng paraan
kaya naawa ang lahat ng umapi sa kanila.
47 O Lord na aming Diyos, i-save mo kami,
i-gather mo ulit kami mula sa mga bansa,
para makapag-thank you kami sayo,
at purihin namin ang banal na pangalan mo.
48 Praise the Lord, ang Diyos ng Israel,
purihin sya ngayon at sa habang panahon!
Sabihin ng lahat, “Amen!”
Praise the Lord!
Footnotes
106:7
+ Red Sea: o Sea of Reeds.
106:19
+ Mt. Sinai: o Mt. Horeb.