Psalms
Intro
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
75
76
77
78
79
80
81
82
83
84
85
86
87
88
89
90
91
92
93
94
95
96
97
98
99
100
101
102
103
104
105
106
107
108
109
110
111
112
113
114
115
116
117
118
119
120
121
122
123
124
125
126
127
128
129
130
131
132
133
134
135
136
137
138
139
140
141
142
143
144
145
146
147
148
149
150
Prayer ng Taong Tinraydor ng Kaibigan
1 O Diyos, pakinggan mo sana itong prayer ko,
wag mong i-reject itong request ko.
2 Pansinin mo ako, sumagot ka,
ang dami kong problema, di ko na kaya!
3 Gulung-gulo na ako sa banta ng mga kaaway,
at sa pang-aapi ng mga masasama.
Pinapahirapan nila ako,
ayaw nila sa akin, malalim ang galit nila.
4 Kinakabahan ako, di ako mapalagay,
natatakot ako, ayoko pang mamatay.
5 Nanginginig ako, takot na takot,
nilalamon ako ng sobrang takot.
6 Haay, sana nakakalipad ako kagaya ng kalapati!
Aalis ako sa lugar na ito para makahinga naman.
7 Lilipad ako sa malayong lugar,
dun ako sa desert titira.
8 Hahanap agad ako ng masisilungan,
para maging safe ako sa malakas na hangin at bagyo.
9 Lituhin mo sila, Lord, guluhin mo ang pag-uusap nila,
kasi puro karahasan ang nakikita ko sa city, ang daming nag-aaway.
10 Di sila tumitigil, mapa-umaga o gabi,
naghahasik ng lagim at gulo sa lahat ng lugar.
11 Kahit saan ka tumingin, sobrang gulo,
nagkalat sa daan ang mga nanggigipit at manloloko.
12 Kung kaaway ko lang ang lumalait sa akin,
matitiis ko pa yun.
Kung kalaban ko lang ang nagyayabang,
pwede ko naman syang layuan.
13 Pero ikaw pa ang gumawa nun, e halos kapatid na kita,
ikaw pa na barkada at bestfriend ko.
14 Di ba ang saya ng kwentuhan natin noon?
Magkasama pa tayong nagwo-worship dun sa Temple.
15 Sana biglang mamatay ang mga kaaway ko,
malibing sila nang buháy sa mundo ng mga patay,
kasi nakatira ang kasamaan sa puso nila.
16 Pero kay Lord na aking Diyos, sa kanya ako humihingi ng tulong,
at sya ang magse-save sa akin.
17 Sa umaga, tanghali, at gabi,
mga hinaing ko, sa kanya ko sinasabi,
at alam kong makikinig sya sa akin.
18 Sa matinding labanan,
ise-save nya ako, di ako masasaktan,
kahit pa ang dami kong kalaban.
19 Naghahari ang Diyos simula pa nung unang panahon,
maririnig nya ako at tatalunin ang mga kaaway ko,
ayaw kasi nilang magbago,
at di sila natatakot sa Diyos.
20 Tinraydor ng kaibigan ko yung mga close sa kanya,
sinira nya ang promise nya.
21 Magaling syang magsalita, madadala ka talaga,
pero ang totoo, puro galit ang nasa puso nya.
Nakaka-relax ang mga salita nya,
pero ang mga yun pala, matatalim na espada.
22 Ibigay mo kay Lord ang mga problema mo,
at sya ang bahala sayo,
di nya papayagang mapahamak ang matutuwid na tao.
23 Pero ang mga pumapatay at mga sinungaling,
O Diyos, sa malalim na hukay mo sila ililibing,
mamamatay agad sila, di na tatanda.
Pero ako, sayo lang magtitiwala.