Psalms
Chapter 61
I-protect Mo Ako, O Diyos
1 O Diyos, makinig ka sa hinaing ko,
pakinggan mo ang prayer ko.
2 Malayo ako sa aking bayan,
at sa lungkot ko, sayo ako tumatawag!
Dalhin mo ako sa bato kung saan safe ako,
3 kasi ikaw ang takbuhan ko,
ang nagdi-defend sa akin laban sa kaaway.
4 Gusto kong mag-stay sa tahanan mo habang buhay,
at maging safe sa ilalim ng mga pakpak mo!
5 O Diyos, narinig mo yung mga promise ko,
binigyan mo ako ng blessing na para sa mga sumasamba sayo.
6 Pahabain mo ang buhay ng hari,
mabuhay sana sya sa maraming generation.
7 Forever sana syang maghari kasama ang Diyos,
ang katapatan at wagas mong pag-ibig ang mag-iingat sa kanya.
8 Kaya lagi akong kakanta ng papuri sayo,
araw-araw kong iaalay ang mga pinangako ko.