Psalms
Chapter 130
Naghihintay sa Sagot ni Lord
1 Lord, sa gitna ng mga problema ko, sayo ako tumatawag!
2 Lord, pakinggan mo naman ako,
makinig kang mabuti sa mga hinaing ko.
3 Kung ililista mo, Lord, ang mga kasalanan namin,
lahat kami mapaparusahan.
4 Pero pinapatawad mo kami,
para magkaroon kami ng takot sayo.
5 Naghihintay ako kay Lord, hinihintay ko sya,
umaasa ako sa sinabi nya.
6 Excited akong naghihintay kay Lord,
mas excited pa sa mga guard na naghihintay ng umaga—
sa mga guard na naghihintay ng umaga.
7 O Israel, kay Lord ka umasa,
kasi di nagbabago ang pag-ibig nya,
at lagi syang ready magligtas.
8 Sya ang magse-save sa bayan ng Israel
sa lahat ng kasalanan nila.