Psalms
Intro
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
75
76
77
78
79
80
81
82
83
84
85
86
87
88
89
90
91
92
93
94
95
96
97
98
99
100
101
102
103
104
105
106
107
108
109
110
111
112
113
114
115
116
117
118
119
120
121
122
123
124
125
126
127
128
129
130
131
132
133
134
135
136
137
138
139
140
141
142
143
144
145
146
147
148
149
150
Hindi Dapat Umasa sa Yaman
1 Makinig kayong lahat!
Makinig lahat ng tao sa mundo,
2 kayong lahat, may kapangyarihan o wala,
mayaman o dukha.
3 Ang sasabihin ko ay puno ng karunungan,
ang mga iniisip ko ay magbibigay ng kaalaman.
4 Papakinggan kong mabuti ang mga kasabihan,
i-eexplain ko ito habang tumutugtog ng harp.
5 Manganib man ang buhay ko, di ako matatakot,
kahit ma-corner pa ako ng mga kaaway—
6 mga taong kampante kasi may pera sila,
ang yayabang, kasi napakayaman nila.
7 Hindi mabibili ang buhay ng tao,
di yun kayang bayaran sa Diyos!
8 Napakataas ng presyo ng buhay,
kahit magkano pang ibayad, di pa rin sapat
9 para di na mamatay ang isang tao,
at forever syang mabuhay.
10 Alam nating mamamatay ang matalino,
ganun din ang bobo at ang siraulo,
at ang pera nila, maiiwan sa iba.
11* Kung saan sila nilibing, dun na sila titira forever,
dun na sila mag-iistay sa habang panahon,
kahit noon may mga sarili silang lupain.
12 Kahit maging sikat tayo, walang silbi yun,
kagaya ng mga hayop, mamamatay din tayo.
13 Yan ang napapala ng mga masyadong bilib sa sarili,
mga sobrang nag-eenjoy sa kayamanan nila.
14 Kagaya ng tupa, sure na mamamatay sila,
si Kamatayan ang magiging shepherd nila.
Tatalunin sila ng mga matuwid,
katawan nila ay mabubulok,
sa mundo ng mga patay, dun na sila titira.
15 Pero ililigtas ako ng Diyos,
aagawin nya ako sa kamay ng kamatayan.
16 Pag yumayaman ang iba, wag kang affected,
kahit na dumadami ang ari-arian nya.
17 Di nya yun madadala pag namatay na sya,
hindi sasama sa libingan ang kanyang mga yaman.
18 Kahit kontento na ang tao sa buhay nya,
at pinupuri dahil successful sya,
19 mamamatay din sya gaya ng ancestors nya,
at hindi na nila makikita ang liwanag.
20 Kahit maging sikat tayo, walang silbi yun,
kagaya ng mga hayop, mamamatay din tayo.
Footnotes
49:11
+ Kung saan sila nilibing: Sa Hebrew, Mga malalim na iniisip.