Psalms
Chapter 25
I-lead Mo Ako at Tulungan
1 Lord, sasabihin ko sayo ang nasa puso ko,
2 O Diyos ko, sayo ako nagtitiwala.
Iligtas mo ako sa kahihiyan,
wag mong payagang pagtawanan ako ng mga kaaway ko!
3 Hindi mapapahiya ang mga umaasa sayo,
pero yung mga taong trip lang magtaksil, sila ang matatalo.
4 Ipakita mo sa akin, Lord, ang daan na gusto mo,
ituro mo sa akin ang gusto mong lakaran ko.
5 I-lead mo ako, turuan mo akong sundin kung ano ang totoo,
kasi ikaw ang Diyos na nagliligtas sa akin,
buong araw akong umaasa sayo.
6 Lord, maawain ka di ba, at wagas kang magmahal?
Simula pa nun, pinakita mo na yan.
7 Patawarin mo na ang mga kasalanan ko,
yung mga mali ko nung bata pa ako.
Wagas ka magmahal at mabait ka talaga,
kaya, Lord, wag mo akong kalimutan!
8 Mabait si Lord at laging ginagawa ang tama,
kaya tinuturo nya sa mga makasalanan ang tamang pamumuhay.
9 Nili-lead ni Lord ang mga humble na gawin ang tama,
tinuturuan nya silang sumunod sa kanya.
10 Nagli-lead si Lord nang tapat at may pagmamahal
sa mga tumutupad sa kasunduan at mga utos nya.
11 Alang-alang sa pangalan mo, Lord,
patawarin mo ako, ang dami kong kasalanan.
12 Sino ang may takot kay Lord?
Ituturo sa kanya ni Lord ang daang dapat nyang piliin.
13 Magiging maganda ang buhay nya,
at mga anak nya ang magmamana ng lupa.
14 Kaibigan ni Lord ang mga masunurin sa kanya,
yung kasunduan nya, pinapaintindi nya sa kanila.
15 Kay Lord ako laging umaasa,
kasi nililigtas nya ako sa panganib.
16 Pansinin mo naman ako, Lord, maawa ka sa akin,
wala akong kasama, hirap na hirap pa.
17 Alisin mo ang mga gumugulo sa puso ko,
alisin mo ako sa magulo kong sitwasyon.
18 Tingnan mo ang hirap at mga problema ko,
at lahat ng kasalanan ko, patawarin mo.
19 Tingnan mo, ang dami kong kaaway,
sa tindi ng galit nila, para nila akong mapapatay!
20 Please, bantayan mo ako, iligtas mo ako,
wag mo akong biguin,
kasi umaasa akong magiging safe ako sayo.
21 Pagiging mabuti at matapat ang magliligtas sa akin,
kasi umaasa ako sayo.
22 O Diyos, iligtas mo ang bayan mong Israel
sa lahat ng problema nila!