Psalms
Chapter 29
Powerful ang Boses ni Lord
1 Purihin nyo si Lord, kayong mga nasa langit,
purihin sya kasi malakas sya at makapangyarihan.
2 Purihin ang kahanga-hangang pangalan ni Lord,
sambahin si Lord sa ganda ng kabanalan nya.
3 Ang boses ni Lord ay nag-eecho sa buong karagatan,
parang kulog ang boses ng Diyos na makapangyarihan.
Si Lord, dinig mo sa nag-aalong dagat.
4 Ang boses ni Lord ay powerful,
hahanga ka at igagalang mo sya.
5 Ang boses ni Lord kayang hatiin ang pinakamatigas na kahoy,
walang sinabi ang mga puno ng cedar ng Lebanon.
6 Napapalukso nya na parang baka ang bundok ng Lebanon,
at napapatalon na parang toro ang bundok ng Hermon.
7 Pag nagsalita si Lord, gumuguhit ang kidlat.
8 Sa boses ni Lord, nayayanig ang desert;
lumilindol pati sa desert ng Kadesh.
9* Sa boses ni Lord, nauuga ang mga oak tree,
at nakakalbo ang mga gubat.
Sa Temple nya, lahat ay sumisigaw ng “Praise God!”
10 Si Lord ang naghahari sa mga dagat,
naghahari si Lord forever.
11 Pinapalakas ni Lord ang bayan nya,
at bine-bless nya sila ng buhay na payapa.

Footnotes


29:9 + nauuga ang mga oak tree: o napapaanak nang di oras ang mga usa.