Psalms
Chapter 21
Nanalo ang Hari dahil kay Lord
1 O Lord, masaya ang hari sa binigay mong lakas!
Pinanalo mo sya sa laban kaya sobrang saya nya!
2 Binigay mo ang gusto ng puso nya,
yung pinagpe-pray nya, di mo tinanggihan.
3 Sinalubong mo sya ng maraming blessings,
sinuotan mo ng korona, gawa sa purong ginto.
4 Ang hiniling nya ay buhay, at binigay mo yun,
mahabang buhay, hindi matatapos yun.
5 Kinilala sya ng mga tao dahil sa tulong mo,
nagtagumpay sya, tinawag na mahal na hari—
lahat yan dahil sayo.
6 Yes, walang katapusan ang blessings mo sa kanya,
lagi kang nasa tabi nya, kaya lagi syang masaya.
7 Nagtitiwala ang hari kay Lord na Pinakamataas,
dahil sa wagas na pag-ibig ni Lord, never syang matitinag.
8 Mahuhuli ng hari lahat ng kaaway nya,
matatalo nya lahat ng galit sa kanya.
9 Dadating sya na parang nagliliyab na apoy,
at susunugin sila.
Uubusin sila ni Lord dahil sa galit nya,
lalamunin sila ng apoy.
10 Walang matitirang buháy sa mga anak nila at apo,
papatayin silang lahat ng hari.
11 Kahit magplano sila ng masama o magtangkang saktan sya,
magfe-fail sila.
12 Tatargetin nya sila ng pana sa mukha,
kaya magtatakbuhan sila para makatakas.
13 Malakas ka, Lord, dapat kang itaas!
Kakanta kami at magpupuri, kasi powerful ka.