Psalms
Chapter 124
Thank You, Lord, Sinave Mo Kami!
1 Paano kung hindi si Lord ang kakampi natin?
Sumagot ka, Israel!
2 “Kung hindi si Lord ang kakampi natin
nung sinugod tayo ng mga kaaway,
3 siguradong kinain na nila tayo nang buháy
nung sumiklab ang galit nila sa atin,
4 natangay na sana tayo ng baha,
nilamon na ng agos na rumaragasa,
5 at nalunod na sa tubig na nagwawala.”
6 Mag-thank you tayo kay Lord,
di nya tayo binigay sa pangil ng kalaban.
7 Para tayong ibong nakatakas sa trap ng hunter,
wasak na ang trap, malaya na tayo!
8 Ang tulong na kailangan natin, kay Lord nagmumula,
sya ang may gawa ng langit at lupa.