Psalms
Chapter 37
Ang Mangyayari sa Mabuti at Masama
1 Wag kang ma-stress dahil sa mga masama,
wag kang mainggit sa mali ang ginagawa.
2 Parang damo, mamamatay din sila,
at kagaya ng dahon, sila'y malalanta.
3 Magtiwala kay Lord at mabuti ang gawin,
para mabuhay ka nang safe at payapa sa lupain.
4 Kay Lord mo hanapin ang saya,
at yung mga gustung-gusto mo, ibibigay nya.
5 Ipaubaya mo kay Lord ang buhay mo,
magtiwala ka sa kanya at tutulungan ka nya.
6 Magiging malinaw sa lahat na tama ka,
kasingliwanag ng araw sa tanghaling tapat.
7 Relax ka lang, hintayin mo si Lord,
wag kang ma-stress pag umaasenso ang iba,
o pag natutupad ang masamang plano nila.
8 Wag kang magpadala sa galit at sa stress,
ipapahamak ka lang nyan.
9 Kasi mawawala ang masasama,
pero ang kay Lord nagtitiwala,
tatanggapin ang pinangakong lupa.
10 Konting panahon na lang, wala nang masasama,
kahit hanapin sa lugar nila, hindi mo sila makikita.
11 Pero yung mga humble, tatanggapin ang pinangakong lupa,
ang sagana at magandang buhay, ma-eenjoy nila.
12 May pinaplano ang masasama laban sa mabubuti,
nanggigigil sila sa galit sa mga yun.
13 Pero natatawa lang si Lord sa masasama,
kasi alam nyang bilang na ang mga araw nila.
14 Nire-ready na ng masasama ang kanilang mga espada,
ready na rin ang mga pana nila.
Ililigpit nila ang mahihirap at kawawa,
at papatayin ang mga gumagawa ng tama.
15 Pero mamamatay ang mga masama sa sariling espada,
at mababali ang mga pana nila.
16 Mas okay pa yung konting meron ang matuwid,
kesa sa yaman ng mga masasama,
17 kasi mawawala ang lakas ng masasama,
pero ang mga matuwid, si Lord ang mag-aalaga.
18 Concerned si Lord sa mga malinis ang buhay,
yung lupang minana nila, forever nang kanila.
19 Sa panahong taghirap, di sila magigipit,
at kahit taggutom, sila'y sagana pa rin.
20 Pero mamamatay ang mga masama,
ang mga kaaway ni Lord, parang magandang bulaklak,
parang usok, mawawala rin sila.
21 Nanghihiram ang masama, wala nang solian,
pero ang matuwid, bukas-palad na nagbibigay.
22 Yung bliness ni Lord ang magmamana ng lupa,
palalayasin naman ang kanyang sinumpa.
23 Si Lord ang nagga-guide sa dapat lakaran ng mga tao,
at pino-protect nya yung mga nagpapasaya sa kanya.
24 Kahit madapa pa sila, makakabangon din agad,
kasi hawak ni Lord ang kamay nila.
25 Simula nung bata pa ako hanggang ngayong matanda na,
never kong nakitang pinabayaan ang mga matuwid,
kahit mga anak nila, never namalimos ng pagkain.
26 Kung magbigay at magpahiram ang mga matuwid, laging willing,
ang mga anak nila, nagiging blessing.
27 Lumayo ka sa masama at gawin mo ang mabuti,
at ang lahi mo ay laging mabubuhay sa lupain.
28 Since mahal ni Lord ang tama,
di nya pababayaan ang mga tapat sa kanya.
Forever iingatan ang mga matuwid,
pero ang lahi ng masasama ay itatakwil.
29 Mamanahin ng matuwid ang lupain,
at dun na sila titira forever.
30 Puno ng wisdom ang salita ng mga taong mabuti,
at laging patas sa lahat ang mga sinasabi.
31 Nasa puso nila ang utos ng Diyos,
never silang lumilihis dito.
32 Inaabangan ng masama ang taong mabuti,
pinaplanong sya ay patayin.
33 Pero di sya pababayaan ni Lord sa kaaway,
pag may nagdemanda sa kanya, idi-defend sya.
34 Umasa kay Lord, lagi syang sundin,
itataas ka nya at ibibigay sayo ang lupain,
makikita mo ang masasama ay palalayasin.
35 May nakita akong tao, masama at abusado,
parang puno sa Lebanon, malaki at matibay.
36 Pero pagdaan ko ulit dun, aba, wala na sya!
Hinanap ko sya, pero di ko na makita.
37 Tingnan mo ang mga mabait at matuwid,
yung mga taong tahimik ang buhay, nagpapatuloy ang lahi.
38 Pero ang mga makasalanan, mawawasak nang tuluyan,
mauubos ang lahi nila, walang maiiwan.
39 Sine-save ni Lord ang gumagawa ng tama,
sya ang takbuhan nila pag may problema.
40 Tinutulungan sila ni Lord at nililigtas,
nire-rescue sila sa masasama,
kasi kay Lord sila pumupunta para maging safe.