Psalms
Intro
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
75
76
77
78
79
80
81
82
83
84
85
86
87
88
89
90
91
92
93
94
95
96
97
98
99
100
101
102
103
104
105
106
107
108
109
110
111
112
113
114
115
116
117
118
119
120
121
122
123
124
125
126
127
128
129
130
131
132
133
134
135
136
137
138
139
140
141
142
143
144
145
146
147
148
149
150
O Diyos Ko, Sorry Po
1 O Diyos ko, wagas ang pag-ibig mo,
maawa ka sana sa akin.
Ang bait mo, Lord, talagang maawain,
mga kasalanan ko, sana burahin.
2 Linisin mong mabuti lahat ng masama sa akin,
mga kasalanan ko, iyong alisin.
3 Alam ko yung mga maling ginagawa ko,
lagi akong nagi-guilty sa mga kasalanan ko.
4 Nagkasala ako sayo, Lord, sayo lang nagkasala,
yung masama sa tingin mo, yun pa ang ginawa ko.
Kaya tama lang na i-judge mo ako,
tama lang na parusahan mo.
5 Masama na ako nung ipanganak,
talagang guilty na, nasa tiyan pa lang.
6 Ang gusto mo sa akin, maging tapat at totoo,
gawin mong marunong buong pagkatao ko.
7 Alisin mo ang kasalanan ko, at magiging malinis ako,
hugasan mo ako, mas puputi pa ako sa snow.
8 Gawin mo akong masaya at maligaya,
dinurog mo ako noon, hayaang mag-celebrate ako ngayon.
9 Wag mo nang tingnan ang aking mga kasalanan,
burahin mo na lahat ng nagawa kong masama.
10 O Diyos, gawan mo ako ng malinis na puso,
bigyan mo ako ng bagong pagkatao na sumusunod sayo.
11 Wag mo sana akong itaboy at palayasin,
ang banal mong Espiritu, wag mong alisin sa akin.
12 Ipa-experience mo ulit sa akin yung saya nung niligtas mo ako,
at gawin mo akong masunurin sayo.
13 Tapos ituturo ko ang mga utos mo sa mga makasalanan,
at sila ay babalik sayo.
14 Wag mo akong pabayaang mamatay,
O Diyos na aking savior,
at kakanta ako, ipagsisigawan kong matuwid ka talaga.
15 Panginoon, tulungan mo akong magsalita,
at sa lahat ng sasabihin ko, pupurihin kita.
16 Hindi yung sacrifice ang gusto mo,
mag-offer man ako ng hayop para sunugin,
di ka rin matutuwa.
17 O Diyos, ang gusto mong sacrifice ay lumapit ako sayo at magpakumbaba.
Hindi mo iri-reject ang nagpapakababa at nagsisisi sa masamang ginawa.
18 Maawa ka, tulungan mo ang city ng Zion,
ang mga pader ng Jerusalem, muli mong ibangon.
19 Tapos matutuwa ka na sa mga tamang sacrifice,
at sa mga hayop na ino-offer para sunugin,
at i-ooffer ang mga baka sa iyong altar.