Psalms
Chapter 2
Ang Haring Pinili ng Diyos
1 Nagrerebelde ang mga bansa, bakit kaya?
Nagpaplano ang mga tao, pero wala silang mapapala!
2 Ready na ang mga hari ng mundo,
at ang mga leader ay nagkasundo,
laban kay Lord at sa haring pinili nya.
3 Sinasabi nila, “Paghahari ng mga yan, dapat nang tapusin,
umalis na tayo sa kontrol nila sa atin.”
4 Nakaupo si Lord sa langit at natatawa lang,
“Ano bang mga plano yan? Walang kwenta!”
5 Nagbigay sya ng warning dahil sa sobrang galit,
sa tindi ng galit nya, tinakot nya sila,
6 “Doon sa Zion, sa bundok kong banal,
ang pinili kong hari ay aking nilagay.”
7 “I-aannounce ko,” sabi ng hari, “kung anong sinabi ni Lord.
Sabi nya sa akin, ‘Ikaw ang anak ko,
ngayon, ako na ang tatay mo.
8 Magsabi ka lang, at ang mga bansa ay ipapamana ko,
ang buong mundo ay magiging iyo.
9 Babasagin mo sila gamit ang pamalong bakal,
dudurugin mo sila kagaya ng palayok.’”
10 Kaya mga hari, maging matalino kayo,
mga leader ng mundo, pakinggan nyo ang warning na ito:
11 Mag-serve kayo kay Lord nang may takot at paggalang,
12 at yumuko kayo sa paanan nya,
kung hindi, magagalit sya agad
at bigla kayong mamamatay.
Masaya ang lahat ng taong ang Diyos ang takbuhan.