Psalms
Chapter 136
Forever Magmahal si Lord
1 Mag-thank you kay Lord, kasi mabuti sya,
forever sya kung magmahal.
2 Mag-thank you sa Diyos ng mga diyos,
forever sya kung magmahal.
3 Mag-thank you sa Panginoon ng mga panginoon,
forever sya kung magmahal.
4 Sya lang ang may kayang gumawa ng mga nakakabilib na himala,
forever sya kung magmahal.
5 Sa husay nya at talino, crineate nya ang langit,
forever sya kung magmahal.
6 Nilatag nya ang lupa sa ibabaw ng tubig,
forever sya kung magmahal.
7 Crineate nya ang araw at ang buwan,
forever sya kung magmahal.
8 Ginawa nya ang araw para magliwanag sa umaga,
forever sya kung magmahal,
9 yung moon at stars naman, para magliwanag sa gabi,
forever sya kung magmahal.
10 Pinatay nya ang mga panganay ng mga Egyptians,
forever sya kung magmahal.
11 Pinalaya nya mula sa Egypt ang bayan ng Israel,
forever sya kung magmahal,
12 gamit ang lakas nya, ang powerful nyang kamay,
forever sya kung magmahal.
13* Hinati nya ang Red Sea,
forever sya kung magmahal,
14 pinadaan nya sa gitna ang bayan nya,
forever sya kung magmahal,
15 pero nilunod nya ang hari ng Egypt at mga sundalo nito,
forever sya kung magmahal.
16 Ni-lead nya ang bayan nya nung naglalakbay sila sa desert,
forever sya kung magmahal.
17 Pinatay nya ang malalakas na hari,
forever sya kung magmahal,
18 pinatay nya ang mga powerful na hari,
forever sya kung magmahal,
19 pinatay nya si Sihon, hari ng mga Amorites,
forever sya kung magmahal,
20 pinatay nya rin si Og, hari ng Bashan,
forever sya kung magmahal.
21 Ang mga lupa nila, pinamana nya sa bayan nya,
forever sya kung magmahal,
22 binigay nya yun sa Israel na servant nya,
forever sya kung magmahal.
23 Di nya tayo kinalimutan nung kawawa tayo,
forever sya kung magmahal,
24 pinalaya nya tayo sa kamay ng mga kaaway,
forever sya kung magmahal.
25 Binibigyan nya ng pagkain ang lahat ng may buhay,
forever sya kung magmahal.
26 Magpasalamat kayo sa Diyos ng langit,
forever sya kung magmahal.

Footnotes


136:13 + Red Sea: Tingnan sa Psalm 106:7.