Psalms
Intro
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
75
76
77
78
79
80
81
82
83
84
85
86
87
88
89
90
91
92
93
94
95
96
97
98
99
100
101
102
103
104
105
106
107
108
109
110
111
112
113
114
115
116
117
118
119
120
121
122
123
124
125
126
127
128
129
130
131
132
133
134
135
136
137
138
139
140
141
142
143
144
145
146
147
148
149
150
Buong Mundo, Purihin ang Diyos!
1 Praise the Lord!
Purihin si Lord mula sa langit,
purihin sya sa kaitaasan!
2 Purihin sya, lahat ng angels nya,
buong army nya, purihin sya!
3 Purihin nyo sya, araw at buwan,
mga stars na maningning, purihin sya!
4 Purihin nyo sya, pinakamataas na langit,
at mga tubig na nasa itaas ng langit!
5 Purihin nilang lahat ang pangalan ni Lord,
kasi sa utos nya, na-create sila.
6 Nilagay nya sila sa kanilang pwesto at dun na sila forever,
nagbigay sya ng batas na hindi pwedeng suwayin.
7 Purihin si Lord mula sa lupa,
mga halimaw sa dagat, lahat ng karagatan,
8 apoy at yelo, snow at mga ulap,
malakas na hangin na sumusunod sa utos nya!
9 Purihin sya ng mga mataas at mababang bundok,
mga punong namumunga at lahat ng puno sa gubat,
10 mga wild na hayop at mga inaalagaan,
mga hayop na gumagapang at mga ibong lumilipad!
11 Purihin sya, mga hari at lahat ng tao,
mga pinuno at mga leaders ng mundo,
12 mga kabataang lalaki at babae,
mga bata at matanda.
13 Purihin ng lahat ang pangalan ni Lord,
pangalan nya ang pinakamataas,
lampas pa sa langit at lupa ang karangalan nya.
14 Pinalakas nya ang bayan nya,
kaya pinupuri sya ng lahat ng tapat sa kanya—
ang bayan ng Israel na mahal nya.
Praise the Lord!