Psalms
Intro
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
75
76
77
78
79
80
81
82
83
84
85
86
87
88
89
90
91
92
93
94
95
96
97
98
99
100
101
102
103
104
105
106
107
108
109
110
111
112
113
114
115
116
117
118
119
120
121
122
123
124
125
126
127
128
129
130
131
132
133
134
135
136
137
138
139
140
141
142
143
144
145
146
147
148
149
150
Lord, Maawa Ka sa Akin
1 Lord, pakinggan mo ako, please, sumagot ka,
kasi mahina ako at kawawa.
2 Gusto ko pang mabuhay, ingatan mo ako, kasi tapat ako sayo,
i-save mo ang servant mo na nagtitiwala sayo.
3 Ikaw ang aking Diyos, maawa ka sa akin, Lord,
maghapon akong tumatawag sayo.
4 Pasayahin mo ang servant mo,
kasi Lord, sayo ko sinasabi ang nasa loob ko.
5 Mabait ka at mapagpatawad, Lord,
umaapaw ang pag-ibig mo sa lahat ng tumatawag sayo.
6 Please, pakinggan mo ang prayer ko, Lord,
makinig ka, humihingi ako ng tulong.
7 Pag may problema ako, sayo ako tumatawag,
kasi sinasagot mo ang mga prayers ko.
8 Walang diyos na kagaya mo, Lord,
walang makakagawa ng mga ginawa mo.
9 Lahat ng bansa na crineate mo,
lalapit at magba-bow sayo,
pupurihin nila ang pangalan mo, Lord.
10 Kasi magaling ka at nakakabilib ang mga ginawa mo,
ikaw lang ang nag-iisang Diyos.
11 Lord, ituro mo sa akin kung anong gusto mong gawin ko,
at tapat akong susunod sayo,
turuan mo akong mag-serve sayo nang buong puso.
12 O Panginoon, aking Diyos, thank you, thank you talaga!
Forever kong sasabihin, “Ang galing mo!”
13 Grabe talaga ang wagas mong pagmamahal sa akin,
sinave mo ako sa mundo ng mga patay.
14 O Diyos, kinakalaban ako ng mayayabang,
nagsama-sama ang mga taong walang-awa, gusto akong patayin,
mga wala silang pakialam sayo.
15 Pero ikaw, Lord, talagang mabait ka at maawaing Diyos,
hindi madaling magalit, puno ng pagmamahal, at di nang-iiwan.
16 Tingnan mo ako, maawa ka sa akin,
palakasin mo ako at iligtas,
akong nagse-serve sayo, gaya ng nanay ko.
17 Bigyan mo ako ng sign na natutuwa ka sa akin,
para makita ito ng mga kaaway ko at mapahiya sila,
kasi ikaw mismo, Lord, ang tumulong at nag-comfort sa akin.