Psalms
Chapter 91
Si Lord ang Magpo-protect sa Atin
1 Ang taong nakatira sa tahanan ng Pinakamataas na Diyos,
at nag-iistay sa protection ng Makapangyarihan sa lahat,
2 sasabihin nya kay Lord, “Ikaw ang takbuhan ko at matibay kong depensa,
O Diyos ko, sayo ako nagtitiwala.”
3 Si Lord ang magliligtas sayo sa mga trap ng kaaway,
at sa mga sakit na nakakamatay.
4 Parang ibon, ipo-protect ka nya sa ilalim ng pakpak nya,
at dun, siguradong safe ka,
ang pagiging tapat nya, parang shield na magpo-protect sayo.
5 Hindi ka matatakot sa kahit anong bagay sa gabi,
o kahit may biglang lumusob sa umaga,
6 o sa mga salot na dumadating sa dilim,
o sa mga masama na pumapatay sa tanghali.
7 Kahit 1,000 na tao pa ang mamatay sa tabi mo,
at 10,000 naman sa paligid mo,
ikaw, hindi ka masasaktan.
8 Titingin ka lang at manonood,
makikita mo, mapaparusahan ang masasama.
9 Si Lord ang ginawa mong takbuhan para maging safe,
ang Diyos na Pinakamataas ang pinili mong maging tahanan,
10 kaya walang masamang mangyayari sayo,
walang salot na makakalapit sa bahay mo.
11 Ibibilin ka nya sa mga angels nya
na bantayan ka saan ka man pumunta.
12 Aalalayan ka nila,
para hindi masugatan sa bato ang mga paa mo.
13 Tatapakan mo ang mga lion at ang mga ahas,
dudurugin ang mababangis na lion at cobra.
14 Sabi ng Diyos, “Ise-save ko ang nagmamahal sa akin,
ipo-protect ko ang nagsasabing ako ang Panginoon nya.
15 Pag tumawag sya sa akin, sasagot ako sa kanya,
sasamahan ko sya sa oras ng kaguluhan,
tutulungan ko sya at bibigyan ng karangalan.
16 Ire-reward ko sa kanya ang mahabang buhay,
at ililigtas ko sya.”