Psalms
Chapter 9
Thank You, Lord, sa Hustisya
1 O Lord, buong puso akong magte-thank you sayo,
mga gawa mong sobrang ganda, lahat yun ikukwento ko.
2 Magsasaya ako, magse-celebrate dahil sayo,
kakanta ako, pupurihin kita, O Diyos na Pinakamataas.
3 Makita ka lang, umaatras na ang aking mga kaaway,
natutumba sila at namamatay.
4 Patas at tama ka kung mag-judge,
ang matuwid na pinaglalaban ko, kinampihan mo.
5 Pinagalitan mo ang mga bansa,
winasak mo ang masasama,
forever mo na silang binura sa mundo.
6 Mga kaaway namin, forever nang natalo,
mga city nila, wasak hanggang pundasyon,
di na sila maaalala, hindi na talaga.
7 Pero si Lord ang hari forever,
nasa trono na sya, handa nang mag-judge.
8 Matuwid syang naghahari sa mundo,
patas syang mag-judge sa mga tao.
9 Kay Lord, safe ang mga inaapi,
sya ang takbuhan kapag nahihirapan.
10 Yung mga taong kilala ka talaga, magtitiwala sayo, Lord,
kasi sure na tutulungan mo ang mga lumalapit sayo.
11 Kumanta tayo, purihin si Lord, naghahari sya sa Zion!
Ipagsabi sa mga tao, lahat ng ginawa nya!
12 Concerned si Lord sa mga nahihirapan,
nasa isip nya ang mga iyak nila,
lagot sa kanya ang kumawawa sa kanila.
13 Maawa ka sa akin, Lord!
Tingnan mo ang ginawa sa akin ng mga kaaway ko.
I-save mo ako para di ako mamatay,
14 at iisa-isahin ko kung bakit kita pupurihin.
Tatayo ako sa harap ng city ng Jerusalem
at magsasaya kasi sinave mo ako.
15 Nahulog ang mga bansa sa hinukay nilang trap,
paa nila ang na-shoot sa sinet-up nilang bitag!
16 Pinakilala ni Lord kung sino sya
nung nag-judge sya nang tama,
yung masasama ang nabiktima
ng sarili nilang gawa.
17 Sa mundo ng mga patay didiretso ang masasama,
silang lahat na nagri-reject sa Diyos.
18 Hindi laging pababayaan ang mga mahihirap,
may pag-asa pa rin para sa walang-wala.
19 Kumilos ka na, Lord!
I-judge mo ang mga bansa sa harap mo.
Yang mga tao, wag mong hayaang manalo.
20 Takutin mo ang mga bansa, Lord!
Ipa-realize mong tao lang sila!