Psalms
Chapter 34
Ang Bait Mo Talaga, Lord!
1 Pupurihin ko si Lord sa lahat ng oras,
di ako titigil sa pagpupuri sa kanya.
2 Ibibida ko ang mga ginawa ni Lord,
kayong mga inapi, makinig at magsaya.
3 Tara, ipagmalaki natin ang galing ni Lord,
sama-sama nating itaas ang pangalan nya!
4 Nag-pray ako kay Lord at sya ay sumagot,
ni-rescue nya ako sa aking mga takot.
5 Umasa kayo sa kanya at siguradong sasaya,
never kayong mapapahiya.
6 Nung tumawag kay Lord ang taong kawawa,
pinakinggan sya at niligtas sa lahat ng pagdurusa.
7 Pino-protect ng mga angel ni Lord ang mga nagwo-worship sa kanya,
at di hinahayaang mapahamak sila.
8 Subukan nyo at i-enjoy ang kabaitan ni Lord!
Ang saya ng taong sa kanya pumupunta para maging safe!
9 Magkaroon kayo ng takot kay Lord, kayong mga pinili nya,
wala nang hahanapin pa ang may takot sa kanya.
10 Kahit yung mga lion, nagugutom at kinukulang sa pagkain,
pero ang masunurin kay Lord, sa mabubuting bagay hindi kakapusin.
11 Mga kaibigan, tara dito, makinig kayo,
tuturuan ko kayong magkaroon ng takot kay Lord.
12 Gusto mo ba ng masayang buhay,
yung mahaba at masagana?
13 Wag kang magsalita ng masama,
at wag kang magsinungaling.
14 Lumayo ka sa masama at gawin mo ang mabuti,
gawin mo ang best mo para magkaroon ng peace.
15 Binabantayan ni Lord ang mga matuwid,
mga hinaing nila, kanyang dinidinig.
16 Pero galit si Lord sa masasama,
pag namatay na sila, di na maaalala.
17 Nakikinig si Lord pag dumaing ang mga matuwid,
nililigtas sila sa lahat ng problema nila.
18 Malapit si Lord sa mga durog ang puso,
at nililigtas nya ang mga nawasak ang loob.
19 Maraming hirap man ang pagdaanan ng mabuting tao,
nililigtas sila ni Lord sa lahat ng ito.
20 Aalagaan silang mabuti,
kahit isang buto nila, hindi mababali.
21 Kasamaan ang tatapos sa taong masama,
at ang mga galit sa matuwid, mapaparusahan.
22 Nililigtas ni Lord ang mga nagse-serve sa kanya,
yung mga pumupunta sa kanya para maging safe, hindi sila mapaparusahan.