Psalms
Chapter 94
Si Lord ang Judge ng Lahat
1 O Lord, Diyos na gumaganti, Diyos na nagpaparusa,
ipakita mo ang galit mo!
2 Bumangon ka, ikaw ang judge ng lahat,
ibigay mo sa mayayabang ang dapat sa kanila!
3 Hanggang kelan magsasaya ang masasama?
Hanggang kelan pa, Lord?
4 Akala mo kung sino silang magsalita,
ang yayabang nila, ang sasama ng ginagawa.
5 Dinudurog nila ang bayan mo, Lord,
pinapahirapan ang bayang pinili mo.
6 Pinapatay nila ang mga byuda at mga dayo,
pati mga ulila, pinapatay din nila.
7 Sabi nila, “Di naman tayo nakikita ni Lord,
hindi ito napapansin ng Diyos ng Israel.”
8 Mag-isip naman kayo, ang hihina ng ulo nyo!
Mga bobo, kelan ba kayo matututo?
9 Ang Diyos ang gumawa ng tenga natin, hindi ba sya nakakarinig?
Sya ang gumawa ng mata, hindi ba sya nakakakita?
10 Pinaparusahan nya ang mga bansa, di ba nya kayo paparusahan?
Sya ang nagtuturo ng mga nalalaman ng tao,
11 alam ni LORD kung anong iniisip natin,
alam nyang nawawala yun na parang hininga lang.
12 Masaya ang taong kino-correct mo, Lord,
at tinuturuan mo ng mga batas mo.
13 Binibigyan mo sila ng break sa kaguluhan
hanggang sa ready na ang hukay para sa masasama.
14 Hindi pababayaan ni Lord ang bayan nya,
hindi nya iiwan ang mga pinili nya.
15 Magkakaroon ulit ng hustisya para sa mga matuwid,
at susundin ito ng lahat ng malinis ang puso.
16 Sinong tumayo para ipagtanggol ako sa masama?
Sinong kumampi sa akin laban sa mga gumagawa ng hindi tama?
17 Kung hindi si Lord ang tumulong sa akin,
napunta na sana ako sa lugar ng mga patay.
18 Nung madudulas na ang paa ko,
yung pagmamahal mo, Lord, ang umalalay sa akin.
19 Pag ang dami kong iniisip,
kino-comfort mo ako at pinapasaya.
20 Hindi mo kakampihan ang mga corrupt na judge.
Ginagawa nilang legal yung hindi makatarungan,
21 nagpaplano sila laban sa mabubuting tao,
at yung mga inosente, hinahatulan nilang mamatay.
22 Pero si Lord ang nagdi-defend sa akin,
sya ang aking Diyos, ang nagtatanggol sa akin.
23 Ibabalik nya sa masasama ang mga ginawa nilang kasalanan
at uubusin nya sila kasi ang sasama nila,
si Lord na ating Diyos ang wawasak sa kanila.