Psalms
Intro
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
75
76
77
78
79
80
81
82
83
84
85
86
87
88
89
90
91
92
93
94
95
96
97
98
99
100
101
102
103
104
105
106
107
108
109
110
111
112
113
114
115
116
117
118
119
120
121
122
123
124
125
126
127
128
129
130
131
132
133
134
135
136
137
138
139
140
141
142
143
144
145
146
147
148
149
150
Lord, Di Ko na Kaya!
1 O Lord, Diyos na nagliligtas sa akin,
araw at gabi, umiiyak ako sayo.
2 Sana marinig mo ang prayer ko,
makinig ka sa daing ko!
3 Kasi puro problema ang buhay ko,
malapit na akong mamatay.
4 Wala na akong lakas,
tingin sa akin, patay na ako.
5 Para akong pinabayaan kasama ng mga patay,
parang bangkay na nasa libingan,
katulad ng mga kinalimutan mo na,
mga taong di mo na tutulungan.
6 Tinapon mo ako sa napakalalim na hukay,
sa pinakamadilim at malalim na libingan.
7 Ang laki ng galit mo sa akin,
para itong alon, nilulunod ako.
8 Dahil sa ginawa mo, nilayuan ako ng mga kaibigan ko,
dahil sayo, nandiri sila sa akin.
Nakakulong ako at di makatakas,
9 lumabo na ang mga mata ko sa kakaiyak.
O Lord, araw-araw akong tumatawag sayo,
nakataas ang mga kamay ko, nagpe-pray sayo.
10 Gumagawa ka ba ng mga himala para sa mga patay?
Tumatayo ba sila para purihin ka?
11 Pinag-uusapan ba sa libingan ang wagas mong pagmamahal?
Yung pagiging tapat mo, binabanggit ba sa lugar ng mga patay?
12 Nakikita ba sa dilim ang mga miracles mo,
o ang kabutihan mo sa lugar ng mga kinalimutan na?
13 Pero ako, Lord, humihingi ako ng tulong sayo,
nagpe-pray ako sayo tuwing umaga.
14 Bakit mo ako pinagtatabuyan, Lord?
Bakit di mo ako pinapansin?
15 Bata pa ako, puro hirap na ang na-experience ko, halos ikamatay ko na.
Natatakot ako sa mga ginawa mo, wala akong kalaban-laban.
16 Dinurog ako ng malupit mong galit,
mamamatay ako sa matinding parusa mo,
17 nakapaligid ito sa akin buong araw na parang baha,
palapit nang palapit galing sa lahat ng side.
18 Mga kaibigan ko at mahal sa buhay, pinalayo mo sa akin,
kadiliman na lang ang kasama ko.