Psalms
Chapter 120
Prayer para Iligtas sa mga Sinungaling
1 Nung nahihirapan ako, tumawag ako kay Lord,
at sumagot sya.
2 Iligtas mo ako, Lord,
sa mga sinungaling, sa mga manloloko.
3 Mga sinungaling, ano kayang parusa ng Diyos ang bagay sa inyo?
Ano pa kayang gagawin nya sa inyo?
4 Titirahin kayo ng matatalas na pana ng sundalo
at susunugin ng nagbabagang uling!
5 Kawawa ako, para akong nakatira sa Meshech,
nakatira kasama ng mga taga-Kedar!
6 Sobrang tagal ko nang nabubuhay
kasama ang mga taong ayaw ng kapayapaan.
7 Gusto ko ng peace,
pero pag sinasabi ko ito,
ang gusto nila, gera!