Psalms
Chapter 62
Sa Diyos Lang Ako Umaasa
1 Panatag akong naghihintay sa Diyos,
sya lang ang makakapag-save sa akin.
2 Sya lang ang tagapagtanggol ko,
at ang nagliligtas sa buhay ko,
sya ang matibay kong pader,
never akong matatalo.
3 Di nyo ba titigilan ang taong mahina?
Para na nga syang pader na malapit nang magiba!
4 Ang gusto nyo lang, ibagsak yung taong marangal,
sa pagsisinungaling, dyan kayo masaya.
Kunyari bine-bless nyo yung tao,
pero sa loob nyo sinusumpa nyo na.
5 Tahimik akong naghihintay sa Diyos,
sa kanya lang ako umaasa.
6 Sya lang ang tagapagtanggol ko,
at ang nagliligtas sa buhay ko,
sya ang matibay kong pader,
never akong matatalo.
7 Nakasalalay sa Diyos ang kaligtasan ko at dangal,
sya ang malakas kong tagapagtanggol,
ang Diyos ang takbuhan ko.
8 Mga kababayan, lagi kayong magtiwala sa Diyos,
lahat ng problema nyo, sa kanya ibuhos,
kasi sya ang ating takbuhan.
9 Ang mga tao ay parang hininga lang,
powerful o mahina, parehong walang halaga.
Kung titimbangin sila, wala din naman,
compared sa hangin, mas magaan pa sila.
10 Wag mong isiping pag nanakit ka may makukuha ka,
sa pagnanakaw, wag umasang may mapapala,
kahit dumami ang kayamanan mo,
wag mong asahan yun.
11 Sinabi ito ng Diyos,
at maraming beses kong narinig:
makapangyarihan ang Diyos,
12 at di nagbabago ang pag-ibig nya.
Lord, binibigay mo kung anong deserve ng tao
ayon sa mga ginawa nila.