Psalms
Intro
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
75
76
77
78
79
80
81
82
83
84
85
86
87
88
89
90
91
92
93
94
95
96
97
98
99
100
101
102
103
104
105
106
107
108
109
110
111
112
113
114
115
116
117
118
119
120
121
122
123
124
125
126
127
128
129
130
131
132
133
134
135
136
137
138
139
140
141
142
143
144
145
146
147
148
149
150
Kilalang-kilala Ako ni Lord
1 O Lord, tiningnan mo ang laman ng puso ko,
kilalang-kilala mo ako.
2 Lahat ng ginagawa ko, alam mo,
kahit malayo ka, nalalaman mo ang iniisip ko.
3 Nakikita mo ako, may ginagawa man o nagpapahinga,
alam mo ang bawat kilos ko.
4 Bago pa man ako magsalita,
Lord, alam mo na ang sasabihin ko.
5 Lagi kang nasa tabi ko, sa harap at sa likod ko,
siguradong safe ako dahil sa lakas mo.
6 Grabe, kilala mo talaga ako!
Sobrang lalim, di ko ma-explain.
7 Saan ako pupunta para makatakas sayo?
Saan ako pupunta para maiwasan ka?
8 Pag umakyat ako sa langit, nandun ka,
pag bumaba ako sa mundo ng mga patay, nandun ka rin.
9 Lumipad man ako kung saan sumisikat ang araw,
o tumira man sa pinakadulo ng dagat,
10 nandun ka pa rin para i-lead ako,
nandun ka para tulungan ako.
11 Kahit sabihan ko ang dilim na itago ako,
at maging gabi ang liwanag sa paligid ko,
12 para sayo, maliwanag pa rin ang dilim,
at ang gabi, kasingliwanag ng umaga,
kasi sayo, pareho lang ang dilim at liwanag.
13 Ikaw ang nag-create ng buong katawan ko,
binuo mo ako sa loob ng tiyan ng nanay ko.
14 Pinupuri kita, kasi ang galing ng pagkaka-create mo sa akin.
Lahat ng ginagawa mo, talagang amazing,
alam na alam ko yan.
15 Binubuo mo pa lang ang mga buto ko,
inaayos pa lang sa tiyan ng nanay ko,
habang lumalaki ako dun na walang nakakakita,
alam mo nang nandun ako,
16 nakita mo na ako bago pa ako ipanganak.
Bawat araw ng buhay ko,
naka-record na sa libro mo,
bago pa mangyari ang mga yun.
17 O Diyos, grabe, hindi ko kayang intindihin ang nasa isip mo,
sobrang dami para maintindihan ko lahat.
18 Kung bibilangin ko yun, mas madami pa yun sa buhangin.
Tapos paggising ko, kasama pa rin kita.
19 O Diyos, patayin mo na ang masasama!
Sana tigilan na ako ng mga mamamatay-tao!
20 Masama ang sinasabi nila tungkol sayo,
binabastos nila ang pangalan mo.
21 Lord, alam mong galit ako sa mga taong ayaw sayo,
ayoko talaga sa mga nagrerebelde sayo!
22 Galit na galit ako sa mga yun,
kaaway ang tingin ko sa kanila.
23 O Diyos, tingnan mo at alamin ang nasa puso ko,
i-test mo ako, tingnan mo yung mga iniisip ko.
24 Tingnan mo kung may ginagawa akong masama,
at i-guide mo ako sa daan ng buhay na walang hanggan.