Psalms
Chapter 60
Ni-reject Mo na ba Kami?
1 O Diyos, ni-reject mo kami at tinalo,
nagalit ka sa amin, pero please, bumalik ka na ngayon.
2 Niyanig mo ang lupa at hinati sa gitna,
i-repair mo ang mga crack nito, kasi malapit na itong gumuho.
3 Pinahirapan mo nang todo ang bayan mo,
binigyan mo kami ng alak kaya kami nahilo.
4 Yung mga sumasamba sayo winarningan mo,
para makatakas sila pag lumusob ang kaaway.
5 Gamit ang lakas mo, i-save mo kami,
sagutin mo ang prayers namin
para maligtas ang mga mahal mo.
6 Dun sa Temple nya, sinabi ng Diyos,
“Nanalo ako, kaya idi-divide ko ang Shechem,
at ipapamigay ko sa bayan ko ang Sukkoth Valley.
7 Sa akin ang lupain ng Gilead, pati ang Manasseh,
ang Ephraim, gagawin kong helmet sa laban,
Judah ang symbol ng power ko.
8 Gagawin kong hugasán ang Moab,
tatapakan ko ang lupain ng Edom,
sa Philistia, isisigaw kong ako ang panalo!”
9 Sinong maghahatid sa akin sa city na matibay ang depensa?
Sinong magli-lead sa akin papunta sa Edom?
10 O Diyos, ni-reject mo na ba talaga kami?
Di mo na ba sasamahan ang army namin?
11 Tulungan mo kami laban sa mga kaaway,
kasi kung tao lang ang tutulong, walang kwenta yun.
12 Pag kakampi namin ang Diyos, sure ang panalo,
sa mga kalaban, sya mismo ang tatalo.