Psalms
Chapter 65
Thank You sa Magandang Harvest
1 O Diyos, tama lang na purihin ka namin sa Zion,
at tuparin yung mga pinromise namin sayo,
2 kasi sumasagot ka sa mga prayers.
Lalapit sayo ang lahat ng tao,
3 dahil sa mga kasalanan nila.
Pag nalulunod na kami sa kasalanan,
pinapatawad mo kami.
4 Masaya ang taong pinili mong sumama,
para dun sa temple mo tumira.
I-eenjoy namin ang mga blessings sa tahanan mo,
sa temple mong banal.
5 Pinakinggan mo kami, gumawa ka ng mga miracles para iligtas kami,
O Diyos na aming savior.
Ikaw ang pag-asa ng buong mundo,
at ng mga nasa malayong karagatan.
6 Tinayo mo ang mga bundok gamit ang iyong lakas,
pinakita mong powerful ka talaga.
7 Pinapakalma mo ang nagagalit na dagat,
ang mga along nagwawala,
at ang mga taong nagkakagulo.
8 Natigilan ang buong mundo,
bumilib ang lahat sa magagandang ginawa mo.
Saan mang sulok ng mundo,
nagse-celebrate ang mga tao dahil sayo.
9 Inaalagaan mo ang lupa,
dinidiligan at pinapataba.
Puno ng tubig ang ilog mo,
ikaw ang nagbibigay ng mga butil.
Ganito mo yun ginagawa:
10 nagpapadala ka ng ulan sa mga binungkal na bukid,
binababad mo sa tubig,
pinapalambot mo ang lupa,
at pinapatubo ang mga halaman.
11 Sagana ang harvest na binibigay mo!
Kahit saan ka pumunta, umaapaw ang biyaya.
12 Puno ng alagang hayop ang mga damuhan,
ang mga bundok, punung-puno ng saya.
13 Ang daming tupa sa mga bukid,
ang mga valley, puno ng butil.
Nagse-celebrate ang lahat, kumakanta sa saya.