Psalms
Intro
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
75
76
77
78
79
80
81
82
83
84
85
86
87
88
89
90
91
92
93
94
95
96
97
98
99
100
101
102
103
104
105
106
107
108
109
110
111
112
113
114
115
116
117
118
119
120
121
122
123
124
125
126
127
128
129
130
131
132
133
134
135
136
137
138
139
140
141
142
143
144
145
146
147
148
149
150
Sobrang Galing at Powerful ni Lord
1 Praise the Lord!
Ang sarap magpuri sa Diyos natin,
mabuti at tama lang na kantahan sya ng papuri.
2 Tinatayo ulit ni Lord ang Jerusalem,
binabalik nya ang mga taga-Israel na nabihag sa ibang bayan.
3 Binubuo nya ang mga pusong nadurog,
ang mga sugat nila, pinapagaling nya.
4 Sya ang nag-decide kung ilan ang mga stars sa langit,
bawat isa, binigyan nya ng pangalan.
5 Sobrang galing at powerful ng Panginoon natin,
ang isip nya, di kayang sukatin.
6 Ang mga humble, tinataas nya,
pero ang masasama, binabagsak nya sa lupa.
7 Kantahan si Lord, mag-thank you sa kanya,
tugtugin ang harp para sa Diyos!
8 Pinupuno nya ng ulap ang langit,
nagpapadala sya ng ulan sa lupa,
at pinapatubo ang damo sa mga bundok.
9 Binibigyan nya ng pagkain ang mga hayop,
pati mga batang uwak na umiiyak.
10 Hindi malalakas na kabayo ang nagpapasaya sa kanya,
hindi matatapang na sundalo ang kinatutuwa nya,
11 natutuwa si Lord sa mga may takot sa kanya,
sa mga taong umaasa sa pag-ibig nyang wagas.
12 O Jerusalem, purihin si Lord!
Purihin ang Diyos mo, O Zion!
13 Pinapatibay nya ang mga gate mo,
bine-bless nya ang mga taong nakatira sayo.
14 Ginagawa nyang peaceful ang buong city,
binibigay nya sayo ang pinakamasarap na pagkain.
15 Pag nag-utos sya sa mundo,
mabilis na nasusunod ito.
16 Nilalatag nya ang snow, parang makapal na kumot,
at ang hamog, kinakalat na parang abo.
17 Nagpapaulan sya ng yelo na parang maliliit na bato,
sa sobrang lamig, walang makatagal kahit sino.
18 Sa isang salita nya, natutunaw ang yelo,
pinapaihip nya ang hangin at umaagos ang tubig.
19 Dini-declare nya ang salita nya sa kanyang bayan,
ang mga teachings at utos nya sa Israel.
20 Hindi nya yun ginawa sa ibang bayan,
hindi nila alam ang mga kautusan nya.
Praise the Lord!