Psalms
Chapter 101
Ang Pangako ng Hari
1 Kakanta ako tungkol sa pagiging loyal at sa hustisya,
para sayo, Lord, ang kantang ito.
2 Mamumuhay ako nang walang kasalanan.
Kelan mo ako pupuntahan?
Mamumuhay akong may malinis na puso sa tahanan ko,
3 hindi ko papayagan ang kahit anong masama.
Ayoko sa ginagawa ng mga tumalikod sayo,
hindi ako makikisali dun.
4 Ayokong magkaroon ng pusong masama,
di ako makikisali sa kahit anong maling gawa.
5 Yung nagkakalat ng tsismis para siraan ang iba,
patatahimikin ko.
Yung mga mayayabang at mga maangas,
hindi pupwede sa akin.
6 Papaboran ko ang mga tapat sa Diyos,
pwede silang tumira kasama ko.
Yung mga walang bahid ng kasamaan,
papayagan kong mag-serve sa akin.
7 Walang manlolokong pwedeng tumira sa aking palasyo,
walang sinungaling na pwedeng mag-stay kung nasaan ako.
8 Araw-araw kong uubusin
lahat ng masasama sa lupain,
palalayasin ko lahat ng masasama
sa city ni Lord.